10. The Dance

197 20 1
                                    

Days passed.. Medio nakamove-on naman na ko kahit papano sa nangyari.. Pero I kept my distance from Angela.. Nandun pa din ung pagkabadtrip ko e.. After everything I've done for her, ganun lang..? magpapaligaw lang siya dun sa bakulaw na yun..? Pansin din nina Dexter at Prince yun.. Kasi hindi ko na talaga kinakausap si Angela.. She tried to talk to me once, pero hindi ako nakipag-usap.. Tangina, ang baduy ko.. Serysoso, ang pangit kong magselos..

Napapadalas din kasi yung pag bisita ni Anthony sa room namen.. Binibigyan ng chocolates si Angela.. Then one time, nagbigay pa siya ng teddy bear..

Tas si Hannah naman, damang-dama ang mga kaganapan.. Ewan ko pero parang feeling girlfriend ang lola nio.. Imagine, one time, may mga taga ibang section na pumunta sa room namen.. Manghihiram ng scientific calculator.. lalake yung nanghihiram kay Hannah.. Pero sabi nia dun sa guy, saken daw magsabi kasi baka daw magalit ako.. so itong si kuya nio, saken nga nagsabi na hihiramin daw yung calculator ni Hannah.. sabi ko "sige, ok lang.." pero WTH diba..?

Tas there's this one time.. Nung nakaraang araw lang, actually.. Nagkekwentuhan kami nina Dexter tsaka Prince, kasi absent yung teacher namen sa math, si Sir Cabral..

"Nakita nio si Victoria..?? yung 4th year.. Tangina pre, ang ganda pala nun.. bagong gupit.. kamukha ni Android 18.." sabi ni Dexter..

"Oo, nakita ko kanina.. bagay sa kania yung buhok nia.. Maganda naman talaga yun si Vicky.." si Prince.. BTW, si Victoria, siya ung president ng Student Body Organization namen.. Chic yun.. kaya kilala ng lahat..

"Ikaw Red, hindi mo type si Victoria..?" Tanong ni Dexter..

"Hindi ko type yung ganun.. Ayoko sa maikling buhok na babae.." sagot ko..

"Kasi ang type ni Red, ung mahabang buhok na may bangs.. Tas mahaba yung sa gilid.. Tas maputi.." si Prince.. Dini-describe si Angela..

Pero ang hindi namen alam, nakikinig pala yung mag chikadorang friends ni Hannah..

Kinabukasan, aba ang bruha, may bangs na rin.. tas mahaba ung sa gilid.. Pramis, parang naging magkahawig tuloy sila ni Angela.. Mas maganda nga lang yung kay Hannah, kasi halatang galing sa parlor.. Parang naka-hot oil..

Tas eto pa, every afternoon, pag-uwian, ang ate nio, hinihintay ako.. e diba nga late na ko umuuwi kasi either my drill kami sa COTC.. Or may practice kami ng sepak takraw.. Tas ang gagawin nia lang naman is magpaalam saken na uuwi na siya.. Lalapit lang siya saken tas sasabihin niang; "Jared uwi na ko.. ingat ka pag-uwi.".. Yun lang.. tas uuwi na nga siya.. I mean, WTF diba..? Hindi ko naman sinabing hintayin nia ko.. Oo, alam ko ang pogi ko dito sa mga kinekwento ko, pero totoo yun.. Pramis.. You'd ask me kung bakit nia ginagawa yun? Wala din akong alam.. Pero nabanggit saken minsan ni Dexter na narinig niang naguusap yung mga girls after nung Valentine's.. And iba daw naging impact nung pagbigay ko ng bulaklak kay Hannah.. Sobrang kinilig daw..

And yun na nga yung iniisip ko.. Bakit ko nga ba kasi binigay yun sa kania..? e para kay Angela dapat yun e..

Then eto na.. Eto talaga malupet.. JS Prom na.. Dati sobrang excited namen ni Will na makapag JS.. Naglambing pa ko kay mommy na padalhan kami ni Will ng long sleeves.. Kung anu man ang usong style sa Manila, ganun ung sinabi kong ipadala ni mommy.. Buti na lang, napadala nia agad.. Pero si Will na lang ang excited ngayon.. Kasi gusto niang maisayaw si Yollai.. Nga pala, nagsusulatan na sila.. Minsan nakikitext saken si Will.. La pa kasi siyang phone e.. Mukhang nagkakamabutihan na.. Pota, naiinggit tuloy ako.. Hehehe..

Ayun nga, JS prom na.. Nakabihis na kami ni Will.. Hanep ang arrive namen.. Nakamotor e.. Pormadong pormado kami.. Dumirecho na ko sa room namen..

"Yown.. Matinde.." banat ni Dexter..

Bihis na bihis na din ung dalawa..

"Guys, ready na.. 5:30 punta na daw tayo court.." sabi ni Yollai..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon