"Hello..?"
"Dad.. Ok na po.. Pasado ako.. Malinis po record ko dito.. Balik na ko jan sa Manila.."
"Anong balik? Balik mo mukha mo.. Jan ka na gagraduate ng high school.."
"Dad naman.. Kaya nga po inayos ko ngayon dito e.. Para makabalik ako jan ng 3rd year.. Kasali nga po ako sa Top 5 e.."
"Well.. That's good to know.. Very good..! De ituluy-tuloy mo na.."
"Daaaaaaad.. Hirap na hirap na po ako dito.. Tapos ang konti pa ng baon ko palagi.."
"O.. P500 for 2weeks.. Sobra sobra pa yun ha.. Ako nga dati nung jan ako nag-aaral dalawampiso lang baon ko.. Minsan nga wala pa e.."
"Dad naman e.. Dati pa po yun.. Please nman daddy.. Balik na ko jan.."
"Wag kang makulet.. Jan ka gagraduate ng high school.. Dadagdagan ko na lang baon mo.."
Dismayado na ko.. Badtrip!!!! Mahirap pakiusapan 'tong tatay ko..
"Sige dad.. Padalhan nio na lang po ako ng pera.. Pamasahe.. Magbabakasyon ako jan.. Dagdagan nio na lang po.. Isasama ko si Will para makapasyal po jan.."
"Hindi na.. Kami na lang ng Mommy mo ang pupunta jan.. Para makapagbakasyon din kame.. Namimiss ka na namen e.. Hahahaha.."
Bwiset.. Bakit ba ito naging tatay ko?? Hindi na nga pinagbigyan ung gusto ko, nang-aasar pa..
"This weekend, babyahe kami jan ng mommy mo.. Mga 3days.."
"Ok dad.. Pakisabi po kay mommy, padala na lang nung ibang mga damit kong naiwan jan.."
Wala.. Nasira yung plano ko.. Asar talaga!!! Hindi naman sa ayoko dito sa probinsya.. It's just that, i don't want to get attached further sa mga bagay dito.. Sa mga tao.. Kaso pagkagraduate ng high school, babalik din ako.. Sure na yun.. But staying here for the next 2 more years, baka ako din ang mahirapan.. Mapapamahal lang ako sa kanila.. Kaya gusto ko na sanang bumalik sa Manila..
Dumating nga sila that weekend.. Damn.. Namiss ko sila.. Lalo na si mommy.. Umiyak pa siya nung nagkita kame..
Then, the next day after nilang dumating, nagyaya agad silang magbeach.. Yep, magaganda din ang beach namen dito sa Pinamalayan.. Dala ni daddy ung Ford Expedition.. Hindi kanya un.. Yahahaha.. Sa company nia un.. Pinapagamit lang sa kania.. Engineer nga pala si daddy.. Civil Engineer kaya madalas sa field.. Pero mga puchu-puchung kontrata lang naman yung mga nakukuha nia.. Hindi yung mga bigtime projects.. Hehehe.. Si mommy naman, Dentista.. Wala siyang sariling clinic.. Pero kasosyo siya nung isa niang friend na may clinic sa Quezon Ave.. So dun sya nagkakalkal ng bunganga ng mga pasyente..
Medio madami kaming pupunta sa beach kasi sumama ung iba naming kamag-anak.. Nakasakay sila sa jeep nung tiyuhin namen..
In fairness naman, sina mommy at daddy ang gumastos.. Entrance tsaka food.. Feeling galante din tong mga parents ko e no..
So ayun nga, enjoy naman.. Daming pagkain e.. So kami ni Will, kain lang ng kain.. Ung ibang mga kamag-anak namen, ayun, nagbabad sa dagat.. Kahit tanghaling tapat.. Until nagtawag na sina mommy at tiya Linda..
"Kakain na..!!!"
And then, ayun.. Kanya-kanya na.. For sure naman, hindi mauubusan ng pagkain e.. Medio madami talaga.. Barbecue, chicken, pusit, sugpo.. Tas may mga pakwan tsaka saging din.. Mini fiesta..
After ng lunch, nagpahinga muna lahat sa cabana.. Medio mainit pa talaga e.. Tsaka masama daw maligo pagkatapos kumain..
Then, may narinig kaming kuliling.. Lam nio yun?? Ung bell na pinapatunog nung nagtitinda ng dirty ice cream.. Saktong sakto.. Panghimagas..
BINABASA MO ANG
My Angel (Completed)
Romance"You know what.. Wag muna.. Until all your pain is gone.. Baka masaktan din lang kasi siya e.. Kung magmamahal ka, make sure na malaya ka na from the pain that I'm giving you now.."