4. Field Demo

177 25 1
                                    

"Sure ka..?? yun na daw kasi ung magiging finals naten e.." sabi ko..

Hindi agad naka-imik si Angela..

"Sinong nagsabi nun? Si sir..?" tanong nia..

"Oo.. Hindi mo narinig..?"

"Sige.. pipilitin ko.. Pero hindi pa din ako sure.."

"Hey, Angela.. If you need something.. If you need help, magsabi ka saken.." yan.. yan yung gusto kong sabihin.. pero hindi ko nasabi.. ayoko kasing maging assertive.. and ayokong magmukhang mahangin.. feeling knight in shining armor.. pero gusto ko talagang siyang tulungan..

"Ok.. sabihin mo saken kung makakasali ka.." sabi ko..

"May costume kasi yun e.. Hindi ko alam kung may mahihiraman ako.. Baro't saya dun di ba..?"

"Oo.. anu ka ba..? Yun lang ba problema mo..? Yung tyahin ko may ganun.. siguro kasya sayo yun.." sabi ko..

"Talaga..? Nakakahiya naman.."

"Ok lang yun.. Basta sumali ka.. ayokong magpartner ng iba.. ang shushunga e.." sabi ko..

"Huy grabe ka naman.. marinig ka nila.." sabi nia..

"Joke lang.. hehehe.."

And I feel this little happiness in me.. yung kausap ko siya, parang ang saya ko..

Tas ayun.. Buong maghapon ko nang iniisip at pinagdadasal na sana nga may baro't saya si Tiya Linda.. Kasi gusto kong makasali sa field demo si Angela.. Sayang kasi, baka bumaba pa yung grade nia.. Yeah, she may be the top student sa klase, pero kung hindi siya makakapag-finals sa PEHM, baka sumemplang ung grade nia.. No, actually, gusto ko lang talaga siyang maging partner.. Yun lang.. Selfish nung reason ko no.. I mean, im doing this kasi, siguro naaawa ako sa kania..kahit papano, alam kong struggling siya financially.. Pero pinipilit nia pa rin mag-aral.. And ayun nga, siya pa nga top 1 sa klase.. Kasi matalino siya.. Kaya somehow, nakakapanghinayang.. Naguiguilty tuloy ako.. Pinag-aaral ako ng parents ko pero puro kagaguhan pa ang ginagawa ko..

"Tiya, may baro't saya ka po..?" tanong ko sa tiyahin ko..

"Wala.. baket..?"

"Sa foundation day po kasi sa school, gagamitin namen yun na costume.."

"talaga ba..? magbabaro't saya ka..?"

"hindi po ako, yung kapartner ko.."

"O bakit ikaw ang naghahanap ng susuotin nia..?"

"e wala daw po siyang mahihiraman e.."

"naku, madalang naman yung may ganyan.. pero sa bayan, may nagpaparenta.. sabihin mo sa kania dun na lang siya maghanap.."

"Ay ok po.. sasabihin ko na lang po.."

And yun nga.. everyday, nagpapractice kami nung sayaw.. syempre todohan kasi gusto din naming manalo..

"Angela, kasali ka ha.." sabi ko..

"Sorry Jared, wala talaga akong mahiraman e.. baka magtake na lang ako ng special exam kay sir.." sagot nia..

"Nu ka ba..? Meron nga yung tiyahin ko.. Nagsabi na ko na hihiramin mo.."

"Salamat.. Thank you talaga.."

Tas nag 3rd periodical exam.. Pramis, nagreview talaga ako.. Kasi nga gusto kong gumanda ung grades ko para payagan na ko ni daddy na bumalik sa Manila..

Ayos nman mga scores ko sa exam.. Halos lahat above 90%.. Naperfect ko pa nga ung history tsaka english.. Pero ung math.. Asar!!! 1 to 30 lang yung tanong.. Multiple choice pa.. Alam ko nman ung sagot dun sa karamihan ng tanong e.. Pero hindi ko alam ung solution.. Bakit ba kailangan pa ng solution?? Kasi daw baka kinopya lang.. Leche!!! Magkakalayo nga kami ng upuan pag exam e.. Bwisit na math talaga 'to e.. 4 lang score ko.. 4/30.. Ayun, nagduda na tuloy si Ma'am Delmo saken.. Kasi nga nung first day ko dito, naperpek ko ung test na binigay nia..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon