19. My Angel

217 26 19
                                    

ANGELA'S POV

"Sabi nia tatawag siya.. Pero 11pm na, wala pa din.. Ok lang.. Baka nagkakasiyahan sila ng family nia.." sabi ko sa isip ko..

Ang galing pala nitong cellphone.. Pwedeng palitan yung mga ringtone.. Pwede ding palitan ung background color.. Haaay.. Kahit nahihiya pa din ako, nagpapasalamat ako na niregaluhan ako ni Jared ng ganito..

Pero nalulungkot ako.. Sa Wednesday na daw ang alis nila.. Somehow, gusto ko sana dito na lang siya magaral.. Para magkita pa rin kami palagi.. Pero ok lang.. Magpapakatatag ako.. Nagpromise naman siya na maghihintay siya e.. At may tiwala ako sa kania.. Mahal ako ni Jared.. Hindi nia ko pagpapalit.. And ganun din naman ako sa kania.. Hinding hindi ako maghahanap ng iba.. Napakswerte ko na minahal ako ni Jared.. Susuklian ko din yun ng loyalty..

Inaantok na ko.. Kasi ang aga kong nagising kaninang umaga.. Tapos maaga din akong aalis papuntang palengke bukas.. Pero naghintay pa ko ng konte.. Baka tumawag pa din si Jared.. Or magmessage man lang.. Just to let me know kung masusundo nia ako bukas o hinde..

Nag-alarm yung phone ko ng 4:30am.. Buti na lang, nakalikot ko kahapon 'tong cellphone.. May alarm clock din pala.. Pero parang lobat na.. Two bars na lang.. Makikicharge na lang ako sa palengke mamaya..

Pero naiinis ako.. Kasi hindi nagmessage si Jared.. Kahit hi, or hello man lang.. Ano? Nakahanap na agad siya ng kapalit ko.. Kahit nandito pa siya sa Mindoro?? Nakailang text na din ako.. Pero hindi siya nagrereply.. Nakakainis talaga..

Nagtimpla ako ng kape at nagsaing.. Nagluto na rin ng itlog at hotdog para kay Weena.. Then naligo na ko.. By 5:30am umalis na ko ng bahay.. Direcho sa palengke..

Ang daming tao ngayon.. Medio busy.. Pero ok 'to kasi mas maagang mauubos yung paninda.. Maaga akong makakauwi..

Around 10am, medio kumonte na yung tao.. Paubos na din yung panindang isda.. Pero minsan, kumukuha pa ulit si Ate Bheng ng isda pag tanghali e.. Para maibenta hanggang hapon..

Then, napansin ko si Prince.. Nasa harap ng stall..

"Ui Prince.. Namamalengke ka??" tanong ko sa kania.. Ang saya ko.. First time kong makita si Prince dito sa palengke..

Pero hindi siya nagreact..

"May sasabihin sana ako sayo.." sabi nia..

"Ano yun?"

Hindi siya nagsalita..

"Ate Bheng saglit lang po.. Kakausapin ko lang po.." sabi ko.. Tumango naman si Ate Bheng..

"Anu ba yun??" tanong ko..

"Anghela, aahhhh.. Si Jared kasi.. Ano.. Ahhhh.. Naaksidente.." sabi nia..

"Prince umayos ka nga.. Anu ba talaga yun..?" tanong ko ulet..

"Anghela, wag kang mabibigla ha.. Nasa ospital siya ngayon.. Nag-aagaw buhay na daw sabi ni Will.. Naaksidente siya sa motor kagabi.."

"Prince sasapakin kita.. Hindi magandang biro yan.." sabi ko.. In denial pa din ako pero hindi ko na napigilang umiyak.. Niyakap ako ni Prince..

"Hindi din ako makapaniwala.. Pero pinadaanan ka saken ni Will.. Magbihis ka na.. Puntahan naten.." sabi nia..

"Prince, niloloko mo lang ako e.. Hindi totoo yan.. Hindi totoo yan Prince.."

"Anghela, sana nga hindi totoo.. Pero sabi ni Will, bilisan daw naten.. Baka hindi natin maabutang buhay si Jared.."

Nagbreakdown na ko.. Wala akong paki-alam kung madaming nakakakita saken dito sa palengke.. Kasi ayaw ko pa ding maniwala..

Nagpaalam ako kay Ate Bheng.. Hindi na siya nagtanong kung bakit.. Narinig nia siguro yung mga sinabi ni Prince..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon