2. Intrams

312 27 6
                                    

Kinabukasan, same-same.. Sinsinimulan ko ng tanggapin sa sarili ko na ka-share ko ang kalikasan sa lahat ng bagay.. Gaya ng pagshare ng mga palaka sa balon na kinukunan ko ng panligong tubig.. Chill mga kapatid.. Palakang bukid 'to.. Malinis daw 'to.. Kinakain pa nga daw e.. Tsaka si Will, so far wala naman akong nakikitang kulugo sa katawan niya.. So safe talaga siya.. Sorry, kino-convince ko din sarili ko..

Sakto lang yung dating namen sa school.. Pagkalagay ko ng gamit sa upuan ko, niyaya na ko nina Dexter at Prince bumaba para sa flag ceremony..

Ganun na nga naging setup.. Magkatabi na kami ni Angela.. Kala ko may absent lang kahapon kaya may bakanteng seat.. Yun pala, nakareserved talaga yun for me..

"Good morning..!" nakangiti kong bati kay Angela.. And ngumiti lang siya..

PEHM..

Nagdiscuss ulet ng konte si Sir Luarca.. Then yung actual na sayaw na..
Nagkatinginan kami ni Angela.. Nagpapakiramdaman kung kami ba ulet ang magpapartner.. Lumapit na ko sa kania..
"Tayo na lang ulet..?" tanong ko..
Then she offered her hand the moment na nagstart yung bilang ni sir..
And for some reason, natutuwa talaga akong titigan siya.. Ang ganda niya.. Feel ko ako si Naruto and kasayaw ko si Hinata.. Ang ganda ng mata niya.. Ang lambot ng kamay niya.. And she moves with animal grace.. Nakakaaliw siyang panoorin.. And siguro napansin niya na nakatitig lang ako sa kania all this time.. That made her feel a bit uneasy.. Kaya tinigilan ko..

"Masyado siyang mahiyain.. Hindi siya pwede sa Manila.. Kakainin siya ng mga maarte at mayayabang dun.." isip isip ko..

Natapos ung sayaw.. And we went back to our seats..
Naramdaman ko na parang naiilang na nga siya saken.. Hindi siya tumitingin, hindi siya kumikibo.. Hindi ko alam kung anong iniisip niya..

Ok.. Social Studies na.. Wala lang.. Naboboringan din ako dito.. So tahimik lang ako.. Pero kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin saken si Hannah.. Iniisip ko, ganun ba ko kapogi..? Crush ba ko nito..? Nakakailang din.. Hindi naman ako pansinin nung nasa Manila ako e.. Pero ok lang.. hehe.. Maganda naman siya e..

Saktong nasa paglalakbay ang diwa ko, iniisip yung mga tropa ko sa Manila nung;

"Mr.Crisostomo..?" pagtawag ni Sir Layante saken..

"Sir..?" medio nagulat ako.. Nagtawanan yung mga classmates ko.. Mukhang nahuli nga ako na hindi nakikinig..

"Can somebody repeat the question for our Manila Boy..?" sabi niya.. Lalo silang nagtawanan.. Then may isang bibong tumayo at umulit nung question..

"Who built the Great Wall of China.." sabi nia..

"Mga chinese malamang.." bulong ko sa isip ko.. Hehehe..

"Ahh.. Emperor Qin Shi Huang of the Qin Dynasty.." sabi ko..

"Ooooohhhh.." sabay sabay na bulong nung mga classmates ko..

"And what is the purpose of that..?" added question ni Sir..

"The wall was built as a defense from the barbaric attacks from the north.. It also aids the transportaion of goods as part of the Silk road.."

"Ok.. And how long is the Great Wall?"

"21,196 Kilometers.. Stretching from the Gansu province in the west to Yellow sea in the east.." sagot ko..

"Very good.." sabi ni sir..

Then nagpalakpakan silang lahat..

"Panis.." bulong ko.. I told you, nauna yung lesson namen sa Manila.. hehe..

Natapos yung klase ng Social.. May lumapit saken na babaeng classmate ko.. Yollai yata name niya.. ewan, yun yung tawag sa kania e..

"Hoy, Jared.. San mo nabasa yung sagot mo..? Anong chapter..?" sabi nia..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon