6. Burger Moves

201 24 8
                                    

Third Year..

Ok na talaga ako.. Medio tanggap ko na, na dito nga ako sa Mindoro gagraduate ng High School.. And for some reason, I felt good na nakasama ako sa top 5.. Parang gusto ko siyang ituloy-tuloy..

Ngayon, mas madalas na kaming inaasar ni Hannah.. Sa mga clubs, like english club, science club etc., either siya ung president and ako yung vice, or siya ung muse and ako ung escort.. Honestly, im enjoying it.. Sumasakay din ako.. Wala namang talo kay Hannah e.. Pero hindi ko siya nililigawan.. Actually, wala akong balak magka-jowa dito sa Mindoro.. Kasi after High School, babalik na ko ng Manila e.. So wala din, hindi din magwo-work out..

Pero kung may nagugustuhan akong babae dito sa school, si Angela lang.. Nope, hindi ako manliligaw sa kania.. ayoko.. Ayoko siyang maging girlfriend.. Not because it's obvious na mahirap siya, lakompake dun.. Hindi din dahil out cast siya sa lahat.. I wont make an advance 'cause I know, wala akong pag-asa..

"Pinsan, magsi-COTC ka..?" tanong ni Will.. yun ung training/recruitment ng mga 3rd year para maging CAT officer come 4th year..

"Ayoko.. Parang tanga yun.." sagot ko..

"Baket?"

"Magma-martsa martsa ka tas may dala kang baril-barilan.. parang gago.."

"Tangeks, dapat mag COTC ka.. Kasi sa star section lang kumukuha ng Corp Commander.." sabi nia..

"anu yun??" tanong ko

"Yung pinakamataas na ranggo sa CAT.."

"ayoko pa din.. parang tanga yan.. magpupush-up push-up pa.. ikaw na lang.."


"PATAKDAAAA.. NA..!!" sigaw nung company commander namen.. Nakahilera na kami as new recruits sa COTC (Cadet Officer Training Course).. Kasama ko si Will.. Kung pano nia ko nakumbinseng sumali dito, hindi ko alam..

Nagstart na kaming magmartsa.. Nakaka-enjoy din naman siya.. Masaya.. Added experience.. Tas by next year, may position na ko as officer.. Pero ito malupet; ako lang ang sumali sa section namen.. star section.. So lamang sa malamang, ako nga ang magiging Corp Commander..

Every Tuesdays and Fridays ang formation namen.. Pero araw-araw yung obligasyon nameng maglinis ng school, mamulot ng basura.. Magpatupad ng mga batas sa school like pagpapapila sa flag ceremony and retreat.. Madalas tuloy, napapa-away kami.. Pero I'm a man of peace now.. Hindi na ko pala-away..

Pag walang formation ang COTC, nagte-training kami ng Sepak Takraw.. Oo, kinarir namen nina Prince at Dexter 'to.. Sinali na din namen si Will.. Wala kaming pag-asang makapasok sa Basketball team, kaya ito na lang.. Besides, mas brutal 'to kesa sa basketball at Volleyball.. Gumagaling na din kame.. Siguradong next intrams, kami na mago-overall champion..

Nakikilala na din ako sa school.. dumadami na mga ka-tropa ko.. Dumadami na din ang mga sumasama ang tingin saken.. Hindi ko na lang pinapansin.. Karamihan sa kanila, yung mga may gusto kay Hannah.. De sa kanila na.. Hindi ko naman niliigawan yun e..

Natapos ang first grading, top 3 na ko.. yeah man!!! Top 3!!! Mataas yung mga grades ko sa halos lahat ng subjects.. Lalo na sa English at History.. Pero yung Math talaga.. Lalo pa ngayon.. Pang 3rd year na.. Trigonometry.. Anu ba namang mapapakinabangan ko kung matutunan kong magsususkat ng tatsulok..? Tas ipapakwenta saken ung sukat ng anino ng puno.. Tangina!!! TOTOO BA?!?! Para saan..?? magagamit ko ba sa kinabukasan ko yung pagsusukat ng anggulo ng anino ng puno..??

Top 2 si Hannah.. Top 1 si Angela.. Ang galing nia talaga.. Partida, hindi pa siya nagsasasali sa mga activities.. Umaabsent pa siya..

Then one time, sa Chemistry namen, may special project na ipapagawa samen.. Something na medio kailangang gastusan kasi pagpipilian yun para sa investigatory project na ilalaban sa ibang school..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon