3. Christmas Break

285 28 23
                                    

That weekend, inaya ako ni Will na mag-Church.. Honga.. Medio matagal na din nung last time na sumamba ako.. Medio hindi ako masigla when it comes to our religion e.. Ito palagi ung pinag-aawayan namen ni mommy..

"Tara.. Anong oras ba??" tanong ko kay Will..

"Alas-tres.. Alis tayo dito ng alas-dos.. Baka mahirapan tayong sumakay ng tricycle e.." sagot nia..

Sa bayan pa kasi ung pinakamalapit na kapilya e..

After ng Church service, dumerecho kami ni Will sa town proper..

"San ba nakakabili ng charm bracelet dito?" tanong ko..

"Bracelet?? Madami jan.. Dun sa parke, may mga nagtitinda sa gilid dun.. Tara.." sagot nia..

So lakad nga kami.. Medio pinagtitinginan kami ng mga tao kasi ung porma namen.. Mga nakapolo kami, slacks na pantalon tas black na leather shoes.. E malamang, galing kami sa pagsamba e..

"Ito Red.. Ito uso ngayon e.." sabi ni Will.. Pinapakita saken ung bracelet na canvass.. Yung may nakaprint na W.W.J.D..

"Anu yan??" tanong ko..

"Bracelet.. Di ba sabi mo naghahanap ka ng bracelet??" sagot nia

"Ano ibig sabihin niang w.w.j.d. na yan??"

"Sabi nung classmate ko, What Would Jesus Do daw.."

"Nyak.. E hindi yan ung hinahanap ko.. Charm bracelet.. Yun ang kailangan ko.." sabi ko..

"Ahhhh.. Charm bracelet.. Oo.. Alam ko yun.." sagot nia.. Sabay ikot dun sa istante nung mga nakadisplay na bracelets..

"Ito pinsan.. Astig yan.. Pili ka na lang.." sabi ni Will.. May dala siyang 2 bracelets.. Yung isa may mukha ni Bob Marley.. Yung isa may mukha ni Che Guevarra..

"Tangina!!! Pano naging charm bracelet yan..!!!" sigaw ko sa isip ko.. Syempre hindi ko pwedeng sabihin ng malakas kasi nga, syempre, kagagaling lang namen ng Church.. Magkakaroon agad ako ng kasalanan..

"Hindi ganyan yung charm bracelet.. Pambabae yun.. Yung may palawit palawit.." sabi ko..

"Ahhh.. E hindi ko alam kung san nakakabili nung hinahanap mo.." sabi nia..

So ayun, pumasok kami sa loob ng palengke sa pagbabakasakaling makakita ng nagtitinda ng charm bracelet..

And finally, may nakita kaming accessories shop.. Yehey!!! Ang daming pagpipilian..

"Ahh.. Yan ba yung charm bracelet..?" tanong ni Will..

"Oo brad.."

"Anong kabadingan yan Red?? Pambabae yan e.. Bakit ka maggaganyan??" banat nia..

"Gagu.. May pagbibigyan ako.."

"Sino?? Si Hannah??"

Tumango lang ako habang namimili pa din ng bibilhin..

"Ayos ah.. Pero hindi mo mapapasagot yun.. May gusto yun dun sa kaklase ko e.. Si Ivan.." sabi nia..

"Hindi ko naman liligawan e.." sagot ko..

"Ate itong dalawa po.. Magkano??" tanong ko dun sa bantay ng tindahan..

"P200 po.."

Inabot ko yung bayad..

"Bakit dalawa?? Ang dami mong pera ah.." sabi ni Will..

"Nagpadala na si daddy kahapon.. Kasya naman siguro ung P300 na baon ko hanggang next week.."

"E bakit nga dalawa?? Dalawa bibigay mo kay Hannah??"

"Oo.." yun na lang sinagot ko.. Pero may isa pa talaga akong pagbibigyan..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon