Inalalayan ni Will si Angela habang pasakay siya ng motor.. Patagilid kasi nga nakadress siya.. So medio hirap akong magdrive..
5-minute drive lang naman mula sa school hanggang sa kanila..
Pero nung malapit na kami dun sa pagbababaan ko sa kania;
“Ay si tatay..” sabi ni Angela.. “Anong ginagawa nia dito..?”
Nasa tabing kalsada yung tatay nia.. Mukhang hinihintay siya.. Huminto na kami sa tapat nia..
“Magandang gabi po..” bati ko.. Tumango naman siya saken.. actually medio nag-alangan pa ko dun.. And it’s true, Pilay nga yung tatay nia.. putol yung isang binti.. Nakasaklay..
“Tay, bakit nandito pa po kayo..? Gabing-gabi na ah..” si Angela, nagmano sa tatay nia..
“Kanina pa kita hinihintay.. Si Weena kasi.. Ang taas na naman ng lagnat..” sabi nung tatay nia..
Hindi na nagsalita si Angela.. tumakbo siya papunta sa bahay nila.. Bumaba ako sa motor para alalayan ung tatay nia..
Pero papasok pa lang yung tatay nia, lumabas na si Angela..
“Jared.. Pwede ka bang maabala..?? Pwede mo ba kaming ihatid ni Weena sa community hospital..?”
“Oo naman.. Baket? Anong nangyari..?” Tanong ko..
“Si Weena kasi, inaapoy na naman ng lagnat.. Pabalik-balik na yun, pero kahapon hanggang kaninang tanghali, ok na siya.. kala ko wala na..” naiiyak na siya..
“Ok sige.. Dalhin naten..” tas sinamahan ko na siya sa loob ng kubo nila.. Medio madilim kasi isang gasera lang yung ilaw nila..
“Sandali lang Jared, magpapalit lang ako ng damit..” sabi ni Angela.. At pumasok siya dun sa maliit na kwarto..
Umupo ako sa tabi ni Weena.. Natutulog siya.. Hinawakan ko yung noo nia.. hindi ako doktor. Pero sa sobrang init na naramdaman ko sa noo nia, alam kong hindi ordinaryong lagnat yun.. Mainit talaga..
Paglabas ni Angela sa kwarto, may sakbit na siyang bag.. Siguro mga damit ni Weena.. Mula sa pagiging maganda at sosyalerang model kanina, ngayon mukha na siyang isang magandang nanay na natataranta..
Ako na ang nagbuhat kay Weena hanggang dun sa motor ko.. And I can see my self having this sense of urgency.. As if parang kapatid ko din si Weena and she needs immediate medical attention..
“Wait.. wala pa siyang jacket, lalamigin siya..” sabi ko..
“Ay oo nga.." tas tumakbo pabalik sa bahay si Angela..
“Maraming salamat sa iyo.. Pasensya ka na.. Naaabala ka pa namen..” yung tatay ni Angela.. humawak siya sa braso ko.. And I can really see the genuine gratitude in his face..
“Naku, ayos lang po yun.. Emergency po ‘to.. Wag po kayong mag-alala..” sabi ko..
Inalalayan ko si Weena sa pagkaka-upo hanggang makaupo na rin si Angela..
Hindi ako makapagpatakbo ng mabilis kasi nga, angkas ko sila.. and ayokong matagtag si Weena.. After 30minutes, nasa ospital na kame.. Pinark ko agad ung motor ko tas binuhat ko na si Weena.. Dumerecho kami sa ER..
Itinapat yung ulo nia sa gripo ng tubig.. Para daw bumaba yung lagnat nia.. Umiyak siya.. Siguro kasi nalalamigan siya dun sa tubig.. Hinahabol niya yung paghinga.. Tinanong siya nung doctor kung anong nararamdaman nia.. sabi nia masakit daw yung tiyan niya.. Nilagyan na siya nung swero..
“Malapit na po siyang magka-convulsion kung hindi naagapan.. Sobrang taas po ng lagnat.. Next time po, pag ganun, pwede niong buhusan ng tubig ung ulo nia..” sabi ni doktor..
BINABASA MO ANG
My Angel (Completed)
Romance"You know what.. Wag muna.. Until all your pain is gone.. Baka masaktan din lang kasi siya e.. Kung magmamahal ka, make sure na malaya ka na from the pain that I'm giving you now.."