Bakasyon..
Pinadalhan ako ni daddy ng pera para pamasahe papuntang Manila.. Sinama ko si Will.. Second time pa lang daw niang pupunta ng Maynila.. Last time daw was nung 10years old siya nung sinama siya nung tatay niang magbakasyon sa lola nia..
Sobrang namiss ako ni mommy.. Iyak iyak na naman nung nakita ako.. Tas akalain nio, namiss din pala ako nung dalawang bruha kong kapatid.. Kung sa bagay, halos 2years din kaming hindi nagkita.. Tas natuwa din sila kay Will..
First day, dinalaw ko muna yung mga tropa ko.. Namiss ko din sila.. Tuwang tuwa naman.. Kaso nagkayayaan agad mag-inuman.. Dun lang medio nagkaproblema kasi, hindi naman kami umiinom ni Will e.. Yeah, nagtry kami.. Pero hindi kami nasarapan e..
So tingin nila saken, naging "soft" ako nung umuwi ako ng probinsya.. Pero ok lang.. Wala namang nagbago sa samahan.. Basta ang agreement, sabay-sabay kaming mageenroll sa college.. Pagkagraduate kasi ng high school, balak ko talagang bumalik.. Although, yung eagerness ko e medio natapyasan na.. Kasi kung babalik ako dito sa Manila, pano na si Angela ko?? Bahala na.. Ayoko munang isipin.."May girlfriend ka na??" tanong saken ni Ate Shiela.. Namiss ko si ate.. Gumanda na siya lalo.. 2nd year college na siya..
"Wala pa.. Wala akong balak.." sagot ko.. Napatingin ako kay Will.. Nagusap na kami, sabi ko, wala siyang ikekwento about Angela..
"Bakla ka na Red??" si Jana.. Oo, kahit matanda ako sa kania, hindi siya nagkukuya saken.. First year high school na siya this coming school year..
"Gusto mong kutos??" sagot ko..
"E bakit wala kang girlfriend..?" tanong pa din nia..
"ikaw, may boyfriend ka??"
"Wala.."
"Hindi ka magkakaboyfriend kasi panget ka.." yahahaha..
"Ikaw ang panget.. Walang nagkakagusto sayo kasi panget ka.."
"Ikaw nga ang dami mong tigidig e.. Kamukha mo si bebang.."
"Ate oh.." sumbong nia kay Ate.. "Bumalik ka na nga sa Mindoro!!!" tas umalis ng padabog.. Yahahaha.. Asar talo..
"Will, wala talagang girlfriend 'to sa probinsya?" tanong ni Ate kay Will..
"Wala po.. Pero madaming nagkakagusto jan.." sagot nia..
"Hah!! Ang malas nila pag naging sila nian ni Red.." banat pa ni Ate..
"Teh, kelan ka bibili ng bagong phone?" tanong ko.. Hihingin ko sana ung phone nia.. Tas bibigay ko kay Will tong saken..
"Kabibili ko lang nito e.. Last week.." sagot nia habang pinapakita saken yung Nokia 7610 nia.. Nainggit ako.. Hehehe..
"Papabili din ako kay daddy.."
"Hahahaha.. Goodluck.."
Tambay lang kami ni Will sa bahay.. Mahaba pa ang bakasyon.. Mauubusan kami ng ganap kung araw-araw kaming gagala.. Tsaka sobrang init e.. Summer na kasi.. Nakakatamad talagang lumabas.. Pero one time, nagpunta kaming mall.. Wala lang.. Chill out lang..
Habang kumakain kami sa Tokyo-tokyo..
"Pinsan, kanina pa tumitingin saten yung babaeng yun.." tas may nginunguso siya sa gawing kanan ko..
"Alin jan??"
"Yung nakapula.. Yung maganda.."
"Sino jan..? Tatlo yung nakapula e.."
"Ayun oh.. Yun.. Yung humihingi ng extra rice.."
"Hindi ko mamukhaan.. Baka may gusto sayo.." sabi ko..
BINABASA MO ANG
My Angel (Completed)
Romance"You know what.. Wag muna.. Until all your pain is gone.. Baka masaktan din lang kasi siya e.. Kung magmamahal ka, make sure na malaya ka na from the pain that I'm giving you now.."