"Odi! Saan ka galing? Malalate tayo sa klase!" sigaw ni Amanda. I looked at her and sighed. I just don't care, A.
"Ito na." tinatamad kong sagot. May hawak akong milktea sa kamay dahil inaantok pa ako. Dumaan ako saglit sa chatime kanina.
"Nakuha mo pang mag-milktea." Irap ni Amanda sa akin. I just looked at her boredly at umirap din.
Pumasok kami sa classroom at umupo ako sa usual seat ko sa dulo sa may bintana. Amanda is infront because she's such a good student unlike me.
Hindi niya ako mapilit na umupo sa harap since madalas lumilipad ang utak ko sa klase. Luckily, pag nag-rereview for test may naiintindihan naman ako. I'm just not the type who learns in listening. I would rather read a whole book than sit in a classroom. Sobrang weird kasi nandito pa din ako sa school ginagawa ang ayaw ko. The fucking norm.
Tahimik akong umiinom ng milktea ng may lumapit sa akin.
"Hi, Odium!" Tinignan ko siya at ngumiti siya sa akin.
"Anong kailangan mo?" I said. Lumalapit lang naman sa akin ang mga tao pag may kailangan sila exept kay Amanda. Masyadong desidido 'yon para maging kaibigan ko. We are opposites. I wonder what made her decide to be friends with me.
"Grabe ka naman! Hindi ba pwedeng bumati lang sayo?" I rolled my eyes and sipped on my milktea.
"Tantanan mo ako, Josh." Ngumisi siya sa nagging sagot ko. Abnormal ba 'to?
"Wala 'yan sa dictionary ko, Odium. Alam mo 'yan." Wala din sa diksyonaryo ko ang makipag-usap sayo. "Let me add it then."
Napansin ni Amanda ang pagkairita ko sa lalaki kaya lumapit siya sa amin at pinatigil si Josh. "Joshua, kung ayaw mo mabalian ng buto. Umalis ka sa harap ni Odi. Black belter 'yan." Saad nito.
"Iba nalang ang landiin mo. Mukha bang may emosyon sa katawan si Odi?" I rolled my eyes at Amanda. "Bakit meron ba, Odi?" napataas ang kilay niya sa akin. Nanatili akong tahimik at hinayaan siya sa pag-assume niya. Partly true, A.
"Okay, fine. Ang sungit mo, Amanda." Sabi ni Josh.
"Ako pa talaga?" inis na sabi ni A at hinampas si Josh. "Ouch! Ito na nga mananahimik na." umalis silang dalawa habang nagkukulitan. Kids.
Dumating si Ma'am Alyssa. May kasamang estudyante. Hello, welcome to this hellhole.
I finished my milktea at itinabi ito sa aking bag.
"Good morning, class! Welcome back for another school year. Last year niyo na ito sa High School, you have to make the most out of it." She brightly said. I mentally rolled my eyes. Another waste of my time.
"As you can see, may transferee tayo. Pasok ka." Ngiti niya dito.
Nahihiya pa itong pumasok. Typical first day transferee move. I looked outside completely ignoring everyone's existence.
"I hope you welcome him warmly. You've been together since Grade 11. I know mahirap makisali dahil may mga grupo-grupo na kayo but please don't hinder it to meet new people. You can introduce yourself, Theo."
How peaceful nature is. I watched how the sun rises from the East. The fresh morning dew.
"My name is Theodore Amour Leon. Nice to meet you all." I heard him say but I keep on looking and appreciating the outside world. What a weird name though.
"You can sit next to Odium." Narinig kong sabi ni Ma'am Alyssa. What the fuck?
Napatingin ako sa teacher habang nakaturo kung saan uupo yung transferee. Lumapit naman siya agad sa pwesto ko. He has a clean cut hair. He wears his uniform so neatly. Masyadong maayos. He has this aura na 'I'm-friendly-but-I-don't-need-friends' if you know what I mean. Mukhang introverted. Nung umupo siya napansin ko may kuminang sa tenga niya, an ear piercing! A touch of badboy-ness eh?
BINABASA MO ANG
Misfit
RomanceI never cared for anything. But now, why couldn't I do the same? Why do I keep on holding this life together when everything I touch always breaks apart. Everyone who gets close gets shattered. Every-fucking-one left with a scar. Will this life con...