XXII

18 4 0
                                    

"Sobrang boring dito, A."

"Tigil-tigilan mo ako, O."

"Bakit mo kasi ako sinama. Edi sana natutulog ako at walang nagrereklamo sayo dito."

"Minsan nalang tayo mag-bonding dahil busy ka sa jowa mo."

"Hanap ka nga ng iyo."

"Leche, O."

"Kumalma nga kayo, mga ate." Tinignan namin si Gwyn pareho.

I just rolled my eyes. Ako lagi talo pagdating sa shopping spree ni Amanda.

Inikot na ata namin lahat ng shops sa MOA para lang sa mga damit. Hindi pa namin nabibili 'yong mga kailangan sa booth.

Nakita ko pa silang papasok ng isa pang shop pero nilingon muna nila ako. Tinignan ko sila ng masam lalo na si Amanda.

"Bahala kayo d'yan. Nagugutom na 'ko."

I walked out from them at hinayaan naman nila ako.

I went to SB and bought my usual coffee and ordered a sandwich. Tahimik akong nakaupo sa may window side kung saan kita ang Manila Bay.

I was busy checking my emails on my phone and checking the progress when the cafe's bell rings.

Napaangat naman ako ng tingin.

I saw Chelsea, that girl with her friends.

I was watching them order coffee at ngumiti pa si Chelsea. Mukhang siya ang magbabayad.

I sipped my cup of coffee and finished my last bite of sandwich and went back on observing them.

There are about 6 girls including Chelsea at the counter. Sobrang ingay nila. It breaks the mood of this cafe. Kinuha na ni Chelsea ang card niya at sinabi sa mga kaibigan niya na maghanap ng upuan.

The cafe is quite empty. Most of the time kasi puro takeout and inoorder ng mga pumapasok.

I took another sip on my coffee.

Nakita kong kumunot ang noo niya. Someone got declined.

She went to use another card and the same thing happened. I watched it 3 times again bago ako tumayo.

Pumunta ako sa counter at tinap ang card ko.

She was speechless. Pati ata 'yong cashier na nag-serve nagulat.

Napatingin naman sa'kin 'yong mga kasama niyang kaibigan at tinaasan ko sila ng kilay.

"You can't use Theodore to scare me." I smiled.

"Ramdam mo na ba, Ms Xianon?" She was just staring at me, confused and angry.

Bago ko siya lagpasan, "Make sure you know who you're making enemies with, alright, little girl? And by the way, you're welcome."

Umalis na 'ko do'n. I come to realize that I'm Odium Sierra Adesso. I trust Theo, and I know that he knows I'll raise hell once he broke my trust.

No one can scare me.

---

Amanda and Gwyn was finished with the errands and I told them to meet me where I parked.

When they got there, sobrang dami nilang dala na 'di ko alam kung magkakasya ba siya sa kotse ko. Puro paperbags ang nasa seat sa likod.

"Bakit kasi ang dami niyong binili?" Nag-peace sign lang sa'kin si Amanda at tinignan ko 'to ng masama.

Tinawagan ko si Theodore para kunin 'yong Wrangler sa bahay.

"Saan kayo?"

"MOA."

MisfitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon