XIII

28 5 0
                                    

I'm currently driving to nowhere. Kung saan man ako dalhin ng kotse ko, do'n ako pupunta. I just want to get away.

My phone is ringing at nakita kong si Ray 'yon. I didn't answer. Kanina pa sila tawag ng tawag sa'kin pero ni-isa wala akong sinagot.

Nag-stop over ako sa 7/11 para patayin ang phone ko at tahimik na lumabas para bumili ng pagkain.

I looked at myy watch. 3am.

Kumuha ako ng tubig at chips. Pumunta sa counter para magbayad.

"Kuya, anong lugar po ito?" tanong ko.

"Nasa Marilao Bulacan ka po, Ma'am. Turista po?" He smiled. Tumango lang ako.

"May malapit po bang hotel dito?"

"Meron po. Mga dalawang kilometro mula dito."

"Salamat po."

Umalis na ako do'n at tahimik na hinanap 'yong hotel na sinabi ni Kuya kanina.

Nakarating ako do'n at nag-check in agad. Dala-dala ang duffel bag, umakyat na ako sa kwarto ko.

Nakatulog agad ako pagkahiga ko sa kama.

I wake up tired. Like usual.

I just stayed there not moving. I was to lazy... or sad to do so.

I embraced the silence of the room. My mind was blank and I was staring at the ceiling.

Hindi ko alam kung anong oras na at ilang oras ako nakatitig sa ceiling pero nang makaramdam ako ng gutom, I got up.

Palagi akong ganito. Tinatakasan ang mga tao, kung p'wede pati sarili ko takasan ko gagawin ko.

I haven't touched my phone eversince I went here. Binuksan ko ito at hindi na nagulat sa dami ng text ni A sa'kin. Madami ding missed calls from Theo and Gwyn.

"Odium, set yourself free. Matagal na siyang lumaya dahil sa'yo sana pati sarili mo palayain mo."

The words Ray told me before parting ways with me on the dance floor.

Gusto kong tawanan ang sinabi niya. Gusto kong saktan si Ray kasi tangina, kung kaya ko 'di ba gagawin ko? I'm fucking Odium Sierra Adesso.

But it left me dumbfounded.

He warned me about Theo but why did he leave me there? That fucker.

Umiling nalang ako at naligo na para umalis sa hotel. Babalik ako agad ng Manila para magtrabaho. I'll work so fucking hard that I couldn't think of anything but work. If I needed to advance read all my syllabus, I'll gladly do it.

While driving, I think of visiting the orphanage for the mean time, kailangan kong kumalma. Everyone is so suffocating I need to breathe.

Nakarating ako do'n ng maayos. Lumabas ako ng kotse ko at tahimik na pumasok sa gate. Binati naman ako ng guard at ngumiti ako dito.

May narinig akong ingay sa dining hall. I went there pero 'di ako agad pumasok. Nando'n lang ako sa pinto sumisilip. Wala namang nakakapansin sa'kin.

Nagulat ako ng madatnan ko do'n si Theodore. He was smiling widely at the kids, may kwinekwento sa maliliit na bata, while some of the older ones are fixing the table para sa lunch nila. Nakita ko si Tyrone nasa harap ni Theo na malaki ang ngiti. Cute.

Palabas si Sister Ella ng mapansin ako. "Oh, Odium! Nandito ka pala? Bakit 'di ka nagsasabi na pupunta ka?" She asked I just smiled and said, "Biglaan lang din po."

MisfitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon