Hello! This will be the longest chapter I'll write for this story. Hope you enjoy reading! 

xoxo, RNDM.

---

For the first time in a long time, maayos ang tulog ko. I slept peacefully. It's still 5am in the morning. It's a weird time for me to wake up. Sa sobrang himbing siguro ng tulog ko kagabi, maaga din ako nagising.

I don't know kung anong gagawin namin ngayon since hindi naman sa'kin sinabi ni Theo kung ano ang itinerary namin.

I heard a knock on the door. Pinuntahan ko ito para pagbuksan.

"Hi! Good morning!" He greeted.

Tumango ako sa kan'ya. I opened the door widely.

"Thanks!"

Kumunot ang noo ko sa dala niya. Tinignan niya naman ako.

"Oh... sorry for not telling you our itinerary." May kinalkal siya sa bag niya at kinuha ang isang notebook do'n. "Here." Abot niya sa'kin.

Kinuha ko ito at binasa.

Itinerary for Batangas Trip

Drive to Cuenca

- Climb Mt Maculot

Drive to Bassilica of Saint Martin de Tours

Drive to Club Punta Fuego

Boat ride to Fortune Island

- Over night camp

His writing is so firm. Masyadong maganda. Ang unfair.

"Sorry, if it's not detailed. Sa tingin ko kasi mas magiging enjoyable kung surprise lahat ng p'wedeng mangyari." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Binalik ko na sa kan'ya ang notebook.

"I need to pack all my things?" Tumango ito sa'kin.

"We'll hike. So wear something comfortable to hike on."

I went to my room to fix my things. HIndi ko naman masyadong ginalaw ang gamit since kahapon lang din kami nakarating dito.

Odium 'wag kang tatalon sa hike, ha?

I mentally rolled my eyes. Kahit sarili ko nireremind ko na.

Lumabas ak dala-dala ang bag ko.

"P'wede ba tayo dumaan sa mall saglit? I'll just buy non-slippery shoes." I said.

Nakita ko naman siyang sumisimsim sa chuckie. Nanlaki ang mata niya sa'kin. May hiya pa pala 'to?

"Gusto mo?" Tanong niya pa sa'kin. Minsan talaga, I don't know how to handle this person. Sakit sa ulo.

Umiling ako.

"Tara na."

---

We were on our way to Cuenca para mag-hike sa Mt Maculot.

I was at my phone looking for some guides for the hike. Available naman online ang mga ito.

No'ng una gusto kong ako mag-drive kaso ayaw talaga patinag nito ni Theodore. Dinadamdam na ang Wrangler.

I was quiet the whole trip. The only thing that can be heard is the sound of the radio. Nakalimutan kong i-connect ulit ang phone ko.

"Are you really this quiet?" He asked. "Or you're just quiet beause of me?"

MisfitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon