Mira's POV
FAST FORWARD....
Pagkatapos ng lunch break, dumeretso agad kami sa room dahil late na kami pinalabas nung last teacher namin. Muntik pa naming makasalubong si Mrs. Buentavo at buti nalabg ay tumakbo kami.
Hingal na hingal kami nung nakarating kami sa room.
"Grabe! Muntik na yon!" hingal na hingal na sabi ni Jona. Terror kasi si Mrs. Buentavo, nakakatakot syang talaga!
Hinintay nalang namin si ma'am.
*****
Sammer's POV
"Himala ah? Di mo yata binully si nerdy girl!" pagtatanong ni Hunter.
Oo nga no? Di ko pa sya nagagantihan!
Di ko pinansin si Hunter
Mamayang uwian!
May naisip agad ako! Bwahahaha!
"Oy Razzel!" tawag ko sa kanya kahit magkatabi lang kami. Lumapit sya sakin.
"Ano?" tanong nya. Sinenyasan ko pa syang lumapit pa. "Ikaw na mag-adjust! Ikaw naman tong may sasabihin!"
Sira talaga tong gunggong na to!
Nilapit ko yung mukha ko sa bandang tenga nya. Pero nilayo nya yung gwapo kong mukha.
"Teka bro! Wag ka namang ganyan! May girlfriend ka na! Sya nalang ganyanin mo! Pare di ako pumapatol sa bakla! Iww!" aniya with matching nandidiri move.
- _________ -
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?! May ibubulong lang ako!" inis na sabi ko sa kanya.
"Sure ka? Baka mamaya ikiss mo ko sa pisngi!" siraulo talaga to!
"Anong ikikiss?! Asa ka! Ikaw yata tong bakla! Kung ano anong naiisip mo! Kadiri!"
"Eh ganon kasi ginagawa ng iba! Kunwari may ibubulong tapos yun pala may balak na iba! Tapos bigla nalang--ARAY!!!"
"GUNGGONG KA TALAGA! Bat ko naman gagawin yun?! Hangal!" sigaw ko sa kanya.
"Malay ko ba?" sinamaan ko sya ng tingin. "Ano ba kasi yun?"
"Diba pinsan mo yung isa sa kaibigan ni pangit?" tanong ko sa kanya.
"Oo, bakit?" pagtataka nya. Kumunot naman ang noo ko nang lakihan nya ako ng mata. "Wag mo sabihing..... Magpapatulong ka sa pinsan ko?!" binatukan ko ulit sya.
"Sira! Sayo ako magpapatulong!"
"Bakit? Liligawan mo sya?! Nako pre! Ipagpapalit mo si Scarlett sa babaeng yon?!" batok ulit! "Nakakailan ka na ah!"
"Kung ano ano kasing pinagsasasabi mo! Pwede ba! Hayaan mo muna akong magsalita!"
"Pinipigilan ba kita? Kitams oh! Nakakapagsalita ka ng malaya! Walang pumipigil sayo!"
Nanggigil na ako Razzel!
"Wag kang pilosopo hangal! May tanong pa ako lumapit ka!"
"Eh baka batukan mo na naman ako?"
"Hindi!" at lumapit sya sakin. "Close ba kayo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...