3 Weeks Later....
Mira's POV
Wala namang nangyaring kakaiba nitong mga nakaraang araw kaya di ko na ikukwento. Pero sa mga lumipas na araw, unti unti kaming nagiging close ni Justine. Madalas ng wala si Shaun dahil daw sa business ng family nya kaya si Justine na yung naghahatid sakin sa bahay nila gunggong pati sa bahay ko. Unti unti na ring nagiging matino si gunggong, pero di pa rin maiiwasan yung gera sa pagitan namin. Si Scarlett? Ayun, parang nanahimik na. Si Ashlee? Ayun! Katulad pa rin ng dati, pinag-aaksayahan ako ng panahon sa walang kwenta nyang panlalait. Sila Krisa at Jona naman, laging kasama yung dalawang ugok na tropa ni gunggong. Si gunggong naman, parang nagfofocus na sa pag-aaral. Medyo kasundo ko na sya pero medyo lang. Madalas rin kaming magkasama dahil sa mga kaibigan nya na nililigawan yung mga kaibigan ko. Madaming nangyaring maganda sa mga nakaraang linggo. Pero di ako kampante dahil di naman ibig sabihin non tuloy tuloy ang swerte.
Malapit na ang exam namin. Pero may program kami kaya hati talaga ang oras ko sa pagtututor, review at practice.
Kasalukuyan naman akong naglalakad papasok ng school. Nakakapagtaka, walang masyadong tao. Late na ba ako? Bigla akong kinabahan. Binilisan ko nalang yung lakad ko.
Dahil sa sobrang kaba ko, napasigaw ako nang may humawak sa balikat ko. Napalingon ako agad."Grabe bes ah! Ako lang to! Halika! Punta tayong gym!" nakahinga naman ako ng maluwag. Si Krisa lang pala. Pero anong sabi nya? Saan nya ako dadalhin?
"Teka teka! Saan ba tayo pupunta?" pagtataka ko.
"Sa gym nga! Basta sumunod ka nalang"
Ang sabi nya pumasok daw ako sa loob. Yung gym kasi namin di sya tulad ng quadrangle na bukas. Sarado lahat. Nagtaka ako bigla nang ako lang ang tao dito. Niloloko ba ako ni Krisa?
Aalis na sana ako nang bigla akong may narinig na kumakanta.
You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collidePanlalaki yung boses.
Sino sya?
So stop time right here in the moonlight 'Cause I don't ever wanna close my eyes
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses.
Without you, I feel broke Like I'm half of a whole Without you, I've got no hand to hold
Lumabas sya mula sa likod ng stage. May dala syang gitara habang pinapatugtog yon.
Without you, I feel torn Like a sail in a storm Without you, I'm just a sad song I'm just a sad song
Papalapit sya ng papalapit sakin. May lumabas naman na nga lalaking may dalang flowers at teddy bears.
It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall
With you, I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edgeLumapit sya sakin. Kumakanta sya habang nakatingin sa mga mata ko. Di ko alam gagawin ko! Gusto kong tumakbo pero gusto kong matapos yung kanta!
So stop time right here in the moonlight 'Cause I don't ever wanna close my eyes
Kinakabahan ako. At the same time, kinikilig. Di ko alam kung bakit nya to ginagawa.
Without you, I feel broke Like I'm half of a whole Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn Like a sail in a storm Without you, I'm just a sad song
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...