Sammer's POV
Kakatapos lang naming magpalista. Dismissed ang class sa first sub dahil sa clubs. Naglalakad kami ngayon nila Razzel papuntang room ni Scarlet. Gusto ko syang kausapin.
"Bakit ba laging wala si Justine? Kulang tuloy tayo" paninira ng katahimikan ni Hunter.
Napansin ko rin na lagi syang wala. May galit ba sya samin?
"Abay malay ko! Tanungin mo si Justine" sagot naman ni Razzel.
"Paano ko tatanungin kung wala sya?! Tss! Wala ka talagang utak!" katuwiran naman ni Hunter.
"Bakit?! Pwede mo naman syang tanungin mamaya ah?! Hay nako! Ikaw ata tong walang utak!" sagot naman ni Razzel. Patuloy lang sila sa pagbabangayan. Nauna na ako sa kanila. Ang bagal kasi!
Pagkarating ko sa room ng prinsesa ko. Wala sya. Nasaan sya?
Lumabas yung kaklase nya.
"Si Scarlett?" tanong ko sa kaklase nyang babae.
"Nasa gym pa ata eh" sagot nya.
"Ah okay" sabi ko naman at umalis na yung kaklase nya.
Napagpasyahan kong bumalik nalang sa room namin. Habang nakaupo ako, iniisip ko kung ano bang problema ni Scarlett at ganon nalang sya sakin. Di naman sya ganon dati. May nagawa ba akong mali? Tsaka ano yung ibig sabihin ni panget kanina? Bakit nya sinabi yon?
Naguguluhan na ako!
Dumating na yung second sub at nagstart na syang magdiscuss.
*****
Mira's POV
Morning break na. Wala akong ganang kumain kaya sa library ako nagpunta. Sila Jona naman sa canteen. May mga alaga ba sila sa tyan? Lagi silang nagpupunta ng canteen eh.
"Tignan mo nga naman! The flirt is here" napatigil ako sa paglalakad nang humarang sa harap ko si Ashlee.
Ano na naman kayang problema neto?
"Ano na namang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"I just want to talk to you... Alam mo, konti nalang pagkakamalan na kitang mangkukulam. Siguro ginayuma mo si Justine pati si Shaun no? Pati heartthrobs lapit ng lapit sayo! Nakakapagtaka diba girls?" aniya.
- _____ -
"Bakit? Inggit ka? Alam mo, di ko kasalanan kung lumalapit sila sakin" sagot ko naman.
"Duh! Di ako maiinggit sa panget na katulad mo no! Bakit naman ako maiinggit? Eh basura ka lang!"
"Maganda ka nga, pangit naman ugali mo. Ano pang silbi ng gandang taglay mo kung masama naman ugali mo? At kung basura ako para sa inyo, wala akong pakialam. Kasi ang basurang tulad ko, hindi tinatapon sa basurahan dahil di patapon ang ugali ko. Kung pinagmamalaki mong maganda ka, siguraduhin mong pagkatapos kitang sapakin maganda ka pa rin"
Di sya makapagsalita. Niyukom nya ang palad nya. Halatang nagalit sya.
"Payo lang ah? Kung manghuhusga ka, tignan mo muna yang sarili mo para wala akong masabi sayo. Think before you judge" sabi ko pa sa kanya. Bago ko naman sya lagpasan ay may binulong ako sa kanya. "You can call me ugly, but sorry not sorry, I'm not a mirror"
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...