CHAPTER 44

77 6 0
                                    

Mira's POV

Ano bang ginagawa ng lalaking yon dito?!

Nakita ko na sya dati. Sya yung lalaking muntik na akong mabundol ng kotse nya.

Inarkuhan ko sya ng kilay nang bigla syang ngumiti sakin. Nang-aasar ba sya?!

Ayaw na ayaw ko sa lalaking yan! Napakayabang! Ayoko pa naman sa lahat eh yung niyayabangan ako!

Sobrang nakaka-bad trip tong araw na to. "Tss!" usal ko nang maalala na naman yung nangyari kanina.

Bakit ba napaka-affected ko? Ano bang pakialam ko?

-,-

"Let's give them a round of applouse!" masiglang sabi ng emcee. Napuno ng ingay ang loob ng gym dahil sa hiyaw at palakpakan.

Wala akong naintindihan na program o kung ano man to. Binabalot ng nangyari kanina yung isip ko. Ewan ko ba! Kahit ayaw kong isipin, nagfaflashback.

Napabuntong hininga nalang ako. Nang mag-announce yung emcee na pwede ng umalis, tumayo na ako at naunang lumabas. Di ko ramdam ang presensya nila Jona kaya malamang hindi sila nakasunod sakin.

Sa dami rin ng mga estudyanteng lumalabas, hindi talaga kami magkakasabay.

Para akong nagugutom. Kumain naman ako kaninang morning break.

Tinignan ko yung oras sa wrist watch ko, 12:49 na pala. Kaya siguro ako nagutom. Ilang oras rin pala kaming nagstay sa loob ng gym.

"Hey!" napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humawak sa braso ko at hinarap nya ako sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sya. Ang lapit pa namin sa isa't isa!

Lumayo ako ng konti saka sya tinaasan ng kilay. Tinawanan nya naman ako.

Tss! Isa pa tong baliw! Bagay na bagay kay Scarlett!

Pfft!

"I didn't expect that I will meet you again, at dito pa sa school na to" nakangiwing sabi nya. Napaangat naman ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi nya.

"Bakit? Wala ba akong karapatang mag-aral dito?" nakangiwing tanong ko sa kanya. Bigla naman syang tumawa.

-,-

"I didn't say that. What I mean is... I can't believe na magiging school mate kita starting tomorrow" mapang-asar na sabi nito.

-,-

Inirapan ko nalang sya at tinalikuran. Sumunod naman sya sakin. Di ko nalang sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya. Hindi sya ganon kaimportante para pag-aksayahan ng oras.

"So what's your name nga pala Ms. Suplada? I forgot to ask you before, kaya--" naiinis ko syang hinarap.

"Pwede ba! Wala ako sa mood kaya wag kang tanong ng tanong!! Kung mambibwisit ka, wag ako!" inis na sabi ko sa kanya. Nabigla naman sya sa ginawa ko.

Napasinghal nalang ako at tinalikuran sya. Mabilis akong naglakad papuntang room.

Nakakabanas yung mukha ng lalaking yon! Sarap iuntog sa pader!

Bakit ba kasi nakita ko na naman sya?!

Kinuha ko nalang yung libro ko at nagbasa.

.
.
.

Sammer's POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiproseso sa utak ko yung nangyari kanina. Di ako makapaniwala sa mga sinabi nya sakin.

Napaka-pranka nya talaga! Manhid! Walang puso! So heartless!!

"Bro? Ayos ka lang? Kanina pa salubong yang kilay mo ah?" parang nang-aasar na tanong ni Razzel. Tinapunan ko sya ng masamang tingin.

The Bad Boy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon