Mira's POV
Nang papalapit sya ng papalapit sakin, lalo akong kinakabahan. Naghanap ako ng kahoy o bato sa paligid. May nakita ako at kinuha ko yon. Tumayo agad ako at hinampas ko sa kanya. Napasigaw ito sa sakit. Tumakbo ako palayo. Pero di pa nga ako nakakalayo, nahila nya agad ang buhok ko.
"Aaahhh! Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya.
"Wag ka ng mag-inarte! Mabilis lang naman tayo" sabi nya. Kinikilabutan na ako.
Tinulak nya ako kaya natumba na naman ako. Sinipa ko yung maselang bahagi ng katawan nya. Muli akong tumayo at pinagsisisipa ko sya. Kinuha ko yung kahoy at hinampas sa batok nya kaya nawalan sya ng malay. Kinakabahan ako ng sobrang sobra! Feel ko ang bagal kong tumakbo dahil nanginginig yung katawan ko. Nang makarating ako sa high way, pumapara ako ng taxi.
Bwisit na mga sasakyan to! Ayaw huminto!
Kinakabahan ako at natatakot dahil baka magising sya.
*****
Sammer's POV
Ano ba naman yung panget na yon! Iniwan na naman ako! Sabi ko hintayin ako eh! Hays!
Nahuli kasi akong lumabas dahil hinintay ko si Scarlett. Pero sa paghihintay ko, di ko rin pala sya maaaya. Mamamasyal daw sila ng friends nya. Hays! Ang cold nya na sakin nitong mga nakaraang araw. So weird diba?Dumating na yung van na sundo ko. May sarili akong kotse pero ayaw pa akong pagamitin ni dad kapag papasok. Nung minsan ko lang sya naitakas. Hays!
"Si Ma'am Miracle po?" tanong nung driver.
Aba! Bakit ma'am tawag nya don?! Amo nya ba yon?!
-.-
Di ko sya pinansin. Bahala sya dyan! Wala ako sa mood.
Pinaandar nya na yung kotse.
Habang nasa byahe kami, parang nakita ko si panget. Sya ba yun?
"Sir, si ma'am Miracle ata yon" sabi nung driver namin.
Nakita nya rin ata si panget. Tss! Anong ginagawa nya don?
"Hayaan mo na sya" sabi ko naman sa kanya.
"Di po ba natin sya isasabay?" tanong pa nya.
"Ano bang paki ko sa kanya? Papunta na rin siguro sa bahay yan. Hayaan mo na!" inis na sabi ko.
Tinuloy nya lang ang pagmamaneho hanggang sa makalagpas kami kay panget. Napatingin naman ako sa side mirror, bigla syang nawala. Sumakay na siguro yon.
Ang akala kong sumakay na sya, naaninag ko sya ng konti na papunta sa madilim na part. Anong gagawin nya don?
*****
Mira's POV
Pasakay na sana ako nang biglang may humila sa buhok ko. Naramdaman kong parang may tumusok sa tagiliran ko.
"Subukan mong sumigaw at tutuluyan kita" madiin nitong sabi. Di ako pumalag dahil baka saksakin nya ako. Dinala nya ulit ako sa madilim na lugar.
"Maawa ka sakin! Patakasin mo na ako" pagmamakaawa ko. Ngumisi lang sya sakin. Hinubad nya yung pang-itaas nya at sunod nyang tinanggal yung sinturon nya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Novela JuvenilIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...