Sammer's POV
Argh! Ang sakit ng ulo ko!
Tumayo ako, nagulat ako nang makita ko si Shaun na mahimbing yung tulog. Teka! Bakit katabi ko tong lokong to? Tsaka nasaan ako? Sa kwarto ni panget?
Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si panget na mahimbing rin na natutulog sa sofa. Napatingin ako sa loob ng kwarto.
Mas pinili nyang matulog sa sofa para lang makatulog kami sa kama nya? Tss! Abno!
Madilim pa. Time check. 5:29 am. Bakit ang aga ko nagising?
Lumapit ako kay panget. Malamig pala sa bahay nya pag umaga. Kinuha ko yung kumot sa loob ng kwarto at tinalukbong yon kay panget. Tss! Wag kayong mag-isip ng kung ano! Ginawa ko lang yon dahil ayokong masisi!
Anyway, bakit nandito kami?
Naalala ko bigla. Naglasing pala ako. Naalala ko tuloy yung pakikipagbreak sakin ni Scarlett. Kaya pala noon palang, parang may mali na. Sa tuwing kasama ko sya, laging lumilipad yung isip nya. Kapag kasama ko sya feel ko wala sya sa tabi ko. Sweet naman sya sakin noon kaya nabulag ako ng pagmamahal. Hays! Love nga naman!
Bumalik ako sa loob ng kwarto at humiha ulit sa kama.
Di na ako makatulog ulit kaya tumayo ulit ako.
Mahilig akong mangalikot ng gamit kaya naisipan kong kalkalin yung gamit ni panget.
Pagkakuha ko sa libro, biglang may nahulog na kung ano mula don. Pinulot ko yon at laking gulat ko nang makita ko yung litratong yon.
Paano napunta sa kanya to?
Napatingin ako kay Shaun na biglang gumalaw. Natataranta ko namang binalik sa loob ng drawer yung libro at tinago ko sa bulsa ko yung litratong yon.
Dali dali akong bumalik sa kama at nagkunwaring tulog.
**
Nagising ako bigla sa naamoy ko. Ang bango, amoy bacon. Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Shaun at si panget na ang sweet habang nagluluto. Naiinggit tuloy ako. Wala na akong bebe.
:<
"Wag nga kayong magharutan habang nagluluto! Baka masunugan pa tayo!" inis na sabi ko. Umupo ako sa upuan na nasa dining area.
"Tss! Inggit ka lang" pang-aasar ni Shaun. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Tapos na silang magluto. Hinanda na nila yung pagkain sa table.
"Oh? Bakit wala akong plato?" tanong ko.
"Kumuha ka, wala kang yaya" sagot naman ni panget.
Tss!
Tumayo na ako at kumuha ng plato. Bumalik na ako sa pwesto ko at kumuha ng pagkain.
Tapos na kaming kumain, ako yung pinaghugas ni panget. Siraulo diba?! Nagpapakain tapos may kapalit! Tss! Ang saya saya nila don samantalang ako naghuhugas ng pinagkainan!
Natapos na akong maghugas. Konti lang naman. Potek talaga! Sya lang nagpahugas sakin ng plato! Samantalang sa bahay pagkatapos kong kumain, chupi agad sa dinning area!
"Oh susi! Umuwi ka na. Sabihin mo sa driver pasundo nalang ako" sabi ni Shaun sakin sabay hagis nito ng susi sa kotse.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...