CHAPTER 42

86 5 0
                                    

Sammer's POV

Bakit kaya wala si panget kanina?

Napabuntong hininga nalang ako. Naglalakad nga pala ako ngayon palabas ng school. Tapos na yung klase namin at maaga kaming pinalabas. Bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya nilabas ko ito.

*1 new message*

Kay Shaun? Tss!

From: Shaun

Isabay mo si Miracle mamaya sa pag-uwi. Nasa office pa ako tsaka may meeting pa ako kaya hindi ko sya masusundo.

Bumuntong hininga naman ako saka bumalik ulit at pinuntahan si panget. Narating ko na yung room nya. Mukhang may klase pa sila kaya sumandal muna ako sa pader at naghintay sa kanya.

Makaraan ang ilang minuto, hindi pa rin sila pinapalabas.

Ano ba naman yan! Ang tagal naman!

Sumilip ako sa loob, napalunok ako bigla nang mapatingin sakin si panget kaya agad akong bumalik sa pwesto ko kanina.

-,-

Masyado namang sinisipagan ng teacher nya. Baka gusto nya ng umuwi?!

Sisilip sana ulit ako para tignan kung tapos na sila nang lumabas yung teacher nila. Nagulat pa nga to nang makita ako. Pero tinignan nya lang ako at umalis na sya.

Sino ba namang teacher ang babatiin ang tulad ko? Eh lantad na lantad sa buong campus ang pagiging siraulo ko.

Di lang siraulo! Ang mangmang pa! Tss!

Kaya siguro ayaw sakin ni panget kasi wala naman syang mapapala sakin. Tss! Kapatid ko nga pala sya!

Argh! I hate that word 'kapatid'!

Sus! Kahit naman hindi kami magkapatid, di nya pa rin ako magugustuhan. Yung gusto nya yung mga katulad ni KJ.

Sa wakas at lumabas na rin sya. Lumapit sya sakin at kinunotan ako. Napaarko naman ang kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya. Napasingkit naman ang mata ko.

"Baka nakakalimutan mong sa nakatira ka na sa bahay ko?" sinadya kong lakasan yon para marinig ng iba. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

Pinagtitinginan naman kami ng mga estudyanteng dumadaan. May nagbubulungan pa nga.

I don't care!

"Oo nga pala, kasi KUYA nga pala kita" nginisian nya naman ako nang mapang-asar bago sya unang maglakad.

"Hoy panget!! Hindi mo ko KUYA! Hindi kita kapatid okay?! Tss!" inis na sigaw ko. Marami tuloy ang nakatingin samin.

Tss! Kanina pa!

"Edi kambal! Anong gusto mong itawag ko sayo? Twinie? Twin? My twin?! Tss! Pambabae lang yan! O kung gusto mo bro, brad o pre!" reklamo naman nito. Naiinis ko syang hinila papalapit sakin kaya nagulat sya.

"None of the choices, gusto ko babe or sweetheart o di kaya honey my--ARAAAAY!!!!" daing ko nang kurutin nya ang cute at makinis kong pisngi.

"Di porke tinotolerate kita sa mga paganyan-ganyan mo... eh ayos lang sakin. Pwes hindi! Mandiri ka nga! Magkadugo tayo gunggong, hindi magjowa!"

O ~ O

Bakit parang nasasaktan ako?

U ~ U

Tss! Nagtaka pa ako, syempre nakaka-offend sya.

Ganyan ba sya sa mga nagkakagusto sa kanya?! Tss!

Akala mo kung sinong maganda! Eh maganda naman talaga!

The Bad Boy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon