Mira's POV
Di ko alam kung saan kami pumunta. Ngayon lang ako nakarating dito. May mga puno, Christmas lights, may mga bench at ang romantic ng place. Parang date na ba tawag dito? -.-
"I hope you liked here" aniya at ngumiti sakin. Takte! Nag-iinit yung pisngi ko! Wag kang ngumiti please! Ang cute kasi.
"Ahmm... Nagustuhan ko naman" nakangiting sabi ko. Medyo di ako komportable. Syempre first time ko to no!
May mga tables pala dito para sa mga couples. Pwedeng group date, double date at couple date. Pero syempre dalawa lang kami kaya dun kami sa pang-dalawahang table. May lumapit samin na waiter pagkaupo namin. Kinuha nya yung order namin. Si Justine na yung nag-order ng pagkain para sakin. Wala kasi akong mapili dahil ang mamahal. Walang cheap price. Habang hinihintay namin yung order, nililibot ko yung mata ko sa paligid. Ang daning couples dito. Siguro sikat to at laging pinupuntahan ng mga magdedate. Pero napaisip ako bigla, bakit nagyayang makipagdate tong si Justine sakin? Tas ako naman marupok! Pumayag!
"Miracle" bigla akong napaharap kay Justine nang tawagin nya ako. Binigyan ko naman sya ng isang 'huh?' look. "I want to ask you something"
"Ano yun?"
"P-pwede ba kitang---"
You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky--
"Yes? What?! Now? Argh! Fine! I'll be there in 5 minutes!" naguguluhan ako sa kanya. Di ko alam kung sinong kausap nya at kung anong pinag-uusapan nila. Tumayo si Justine.
"I'm sorry, I have to go. Tinext ko na si Klein. Sya na ang susundo sayo. Bye take care" nagmamadali nyang sabi at patakbong umalis. Napanganga naman ako.
Paano na ako ngayon? Ang miserable naman! Tapos paano yung bill? Yung pagkain? Takbuhan ko kaya? Hays! Di ko alam gagawin ko!
Hinintay ko nalang yung waiter na maiserve yung order namin. Pagkalapag nya ng order sa table, tinanong ko sya. "M-magkano yung bill?" kinakabahang tanong ko. Di sakto tong pera ko. Hays! Bakit kasi dito pa sa expensive na restau nya ako dinala? Pwede namang street foods nalang! Mas mura pa yon!
"Wala na po kayong babayaran ma'am. Enjoy your date" aniya at umalis. Itatanong ko sana kung bakit at paano pero umalis sya agad.
Hays! Di ko naman kayang ubusin to! Sayang naman kung iiwan ko nalang!
May pa-enjoy your date pa yung waiter eh iniwan nga ako ni Justine! -.-
Tumawag ako ng waitress at pinatake out tong orders. Sa bahay ko nalang kakainin.
Hays! Di ko alam kung paano ako uuwi! Takteng yan! Di ko na maalala itsura nung Klein eh. Baka di ko sya makita o makilala.
Huminga ako ng malalim. Naisipan kong tawagan si Shaun. Sa kanya nalang ako magpapasundo kung di man sya busy.
"Hello? Shaun?"
[Oh bat napatawag ka pansit?]
"Pwede mo ba akong sunduin dito sa... ******* restaurant? Kung okay lang"
[Sorry busy ako ngayon, may kasunod pa akong meeting para sa mga investors. Sorry... Kay Sammer nalang kita ipapasundo. Just wait there]
Hah?! Bat dun sa gunggong na yun?! Asa naman syang pumayag yun! Eh ihatid nga lang ako sa bahay ko ayaw nya, dito pa kaya?!
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...