CHAPTER 7: A NIGHT WITH YOU

185 10 0
                                    

Sammer's POV

Nakakakilabot naman tong daanan na to! Nakakainis yung pangit na yon! Iniwan ako! Pero okay na rin yun, at least di ko sya makakasama!

Pero takot ako sa madilim! Lalo na sa ganitong lugar! Nakakatakot!

"Hoooy! Pangeeeeeeet!!! Nasaan ka?!!" sigaw ko. Pero walang sumasagot.

T ___ T

Bwisit ka talagang babae ka! Pagnahanap kita yari ka sakin!

Nasaan na ba kasi yung babaeng yon!

T - T

Bigla akong kinabahan nang may marinig akong tunog. Yung tunog na parang may nahulog.

Waaaaaahhhh!!! Huhuhu! Oo gwapo ako, oo bully ako! Pero takot ako sa multo! Oh yan! Alam nyo na? Shh lang kayo baka may makaalam.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Di ko alam kung saan ako pupunta. Di ko masyadong makita yung daan. Wala kasi ako sa open air. Feel ko nasa likod ako ng isang building. Doon kasi mapuno kaya baka nga doon.

T - T

Bakit kasi nilow bat ng babaeng yon yung cellphone ko eh!!! Ang tanga ko rin kasi! Pinahiram ko pa sya!

> o <

*****

Mira's POV

Nasaan na ba yung locker room? Nakakalito naman tong mga pinto dito. Di ko halos mahulaan kung saan dito yung locker room. Hays! Dapat pala di ko iniwan si gunggong! Edi sana di ako naliligaw ngayon!

Halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig akong kumalabog. Bumilis yung tibok ng puso ko. Natatakot ako! Sino ba namang di matatakot sa multo?

May pusa ba dito? Daga? Or what! Tae! Natatakot na ako! Di naman siguro ako matatakot kung di ko nalaman yung dating usap-usapan dito na may nagpakamatay kuno, may pinatay, may mga nagpaparamdam. Daig pa ang haunted school.

May kumalabog ulit. Totoo ba yung naririnig ko o isang ilusyon lang?

"Miracle" nanlaki ang mata ko nang may tumawag sakin. Boses lalaki! Tapos ang lalim ng boses nya. Naalala ko na naman yung kwinento ni Jona na may matandang lalaki daw na gumagala dito sa campus.

Sya na ba yun?

> - <

"S-sino yan?!" kinakabahan kong tanong.

"Isa akong multo... Awuuuuuuuu.... Awuuuuuu" sagot nya naman.

O _ o?

Tahimik akong lumapit sa pinanggagalingan ng boses na yon. Sa may likod ng pader. Nakita ko sya. Binatukan ko.

"Aray!" daing nya.

"Siraulo ka! Gusto mo talaga akong mamatay no?!" inis na sabi ko sa kanya. Tawa naman sya ng tawa.

Ah ganon!

Nagkunwari akong natatakot at nagulat habang nakatingin ako sa likuran nya. Tapos may itinuro ako.

"S-sa.. S-sa likod mo" kunwaring natatakot kong sabi sa kanya. Natigilan naman sya at parang nagsisimula ng matakot.

"Hoy babae! Wag mo kong pinaglololoko!" aniya.

"M-may m-multo sa likod mo" pananakot ko.

"Wag mo kong tinatakot!" inis na sabi nya.

"W-wag kang gagalaw.. Ganyan ka lang. B-baka sugurin ka nya" pananakot ko ulit.

Umaatras naman ako. Paatras ng paatras palayo sa kanya.

"H-hoy! Wag mo kong iwan!" sigaw nya.

The Bad Boy's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon