Mira's POV
Bago ako dumeretso sa room ay nagpunta muna ako sa office ni Ms. Howard.
"You're here. Maupo ka" aniya. Umupo naman ako. "So... Nakapagdecide ka na diba?" tanong nya at tumango naman ako. "Hmm... Every week mo syang tuturuan. Ibig sabihin, dederetso ka sa kanila pagkatapos ng klase nyo. Sa sabado naman, 11:00 am ka pumunta sa kanila. Sa linggo naman... Hmm... Wag na natin isama para di ka magsawa sa pagmumukha ni Sammer. Kung okay lang sayo, magsimula ka na mamaya. Di naman mahirap turuan yang si Sammer ang kaso lang, di sya marunong magseryoso" aniya.
"Okay po" tanging tugon ko.
"May susundo sa inyong dalawa ni Sammer sa labas ng gate. Alam naman na ni Sammer yung tungkol sa tutorial. So.... Ibibigay na sayo mamaya ng mommy nya yung advance allowance mo. Sana magtagumpay ka. You can go now" pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na ako.
Hays! Bakit kasi si gunggong pa!
Binilisan ko na yung lakad ko dahil baka di ako makaabot sa first sub.
*****
Sammer's POV
Hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Deza (Ms. Howard). Ibig sabihin makakasama ko ang babaeng yon araw araw?! Di ko naman kasi kailangan ng tutor! Nagsasayang lang sila ng pera! Tss! Yung panget naman na yun, pumayag! Siguro crush ako non!
> o <
Ano kayang magandang pambibwisit ang gagawin ko sa kanya? Bwahahahaha! Ang dami kong naiisip!
"Mr. Jackson! You're not listening!" napaayos naman ako ng upo nang biglang sumigaw si Ms. Dawin. Napatingin naman ako kay Razzel at nagpipigil ito ng tawa. Sinamaan ko sya ng tingin.
Nakakabwisit to! Pasalamat sya may teacher at hindi ko sya mababatukan!
"Stand up!" sigaw ni Ms. Dawin. Tumayo naman ako.
"Answer these question!" aniya at tinuro ang tanong sa number one. "Read the question first" utos pa nito.
Ano ba yan! Ano bang alam ko dyan?! Hays!
Bumuntong hininga ako. "W-what is the basic unit of life?" basa ko dun sa tanong.
Ano nga ba?
Di naman ako nakikinig eh! Nakakabwisit! Bakit ba laging ako yung tinatawag?! Alam na nga nilang bobo ako! Hays!
"So Mr. Jackson, what is the basic unit of life?" tanong ni Ms. Dawin. Napalunok naman ako dahil di ko alam ang isasagot ko. "I'm right! You are not listening while I'm discussing! Go at the back and face the wall!" galit na sabi nito. Nakakasindak sya!
Pumunta ako sa pinakalikod at hinarap ko yung pader.
"Hays! Kaharap na naman kita!" mahinang sabi ko sa pader.
"May someone answer the question number one?" rinig kong tanong ni Ms. Dawin. "Yes, Mr. Parker?" rinig ko pang sabi nya.
Malamang nyan si KJ yung nagtaas ng kamay.
"The cell is the basic unit of life" rinig kong sagot ni KJ.
"Any description of cell, Mr. Parker?" -Ms. Dawin.
"Every organism or living individual, consists of one or more cells. And every cell has an outer membrane that separates it from its surroundings" -KJ.
Hays! How to be KJ ba?! Tss! Pakitang gilas na naman sya!
"Thank you Mr. Parker. Anyway, cell is our topic for today. And like what Mr. Parker said, cell is the basic unit of life and every individual consists of one or more cells and every cell has an outer membrane. So now, what did the membrane do?" turo ni Ms. Dawin. "This membrane encloses the water and other chemicals that carry out the cell's functions. The next question is, what is the informational molecule of life?" dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...