Miracle's POV
"Here's your food. Kainin mo na bago pa lumamig" nakangiting sabi sakin ni Kuya. Napatitig ako sa kanya sandali.
Kinuha ko yung kutsara't tinidor at saka kumain. Nakita kong umupo si Kuya sa sofa kung saan natulog non si gunggong.
Nga pala, bakit hindi pa rin yon bumabalik?
-,-
Grabe naman magtampo yon! Hmp! Bahala sya! Di naman kami mag-jowa para suyuin ko sya!
"Kuya" tawag ko kay Kuya. Pero hindi ako tumingin sa kanya. Kumakain pa rin ako.
"Hmm?" tugon nya.
"Meron bang pumunta kanina dito na lalaking ka-age ko lang?" tanong ko. Tumingin ako sa kanya nang hindi sya magsalita. Nagbabasa pala sya ng magazine.
"I don't know, but there's a boy na biglang nagbukas ng pinto. Ang sabi nya nagkamali lang sya ng napasok na room" nagkamali? O baka dito talaga ang punta nya?
Sino kaya yon?
"Anong itsura?"
"Are you expecting someone to come here?" kunot noong tanong nya. Napaiwas naman ako ng tingin.
"I was expecting S-shaun to come here. Di ko pa kasi sya nakikita" pagsisinungaling ko.
"I thought he came here? Kasi alam nyang nandito ka"
"Okay" di na ako nagsalita pa ulit. Humiga nalang ulit ako.
Hays! Nakakaboryo naman dito. Gusto ko na umuwi. Malamang yung bahay ko puno na ng alikabok.
-,-
"Nga pala, dadalhin ko si Blake dito mamaya" natigilan ako sa sinabi nya. Napatingin ako nang nanlalaki ang mga mata.
Dadalhin nya si Blake?! Dito?!
Di nalang ako umimik. Di ko alam kung anong dapat kong sabihin. Ayoko pa ring makita nya ako. Natatakot ako na baka tanungin nya ako at hindi ko masagot.
"Ayaw mo ba?" rinig kong tanong nya. Napapikit ako.
"Ikaw bahala" tanging sagot ko.
.
.
.Hunter's POV
Lahat kami ay nagsi-upuan na sa kanya-kanya naming upuan nang dumating ang terror naming teacher.
"Mr. Swiftkins!" tawag ni ma'am kay Razzel.
Potek! Baka ako isunod!
Tumayo na si Razzel. Nagpipigil ako nang tawa dahil sa isang to na akala mo paparusahan. Nanginginig ang katawan! BWAHAHAHAHAAH!
"Hindi ba't kaibigan nyo si Mr. Jackson?!" masungit na tanong nito. Nakita ko namang napalunok si Razzel.
Ayokong tumawa! Baka ako isunod tapos mahirap na tanong ipasagot sakin!
"O-opo" nanginginig ang boses na sagot nito.
"Bakit hindi pa rin sya pumapasok hanggang ngayon?!" napatingin naman sakin si Razzel. Nagkibit balikat lang ako.
"H-hindi ko po alam" tumango-tango naman si ma'am.
Uupo na sana si Razzel nang bigla syang tawagin nito. Kahit ako halos mapatalon sa gulat at halos sumabog ang dibdib ko sa kaba nang biglang sumigaw si ma'am. "MR. SWIFTKINS!!" nakakakilabot na sigaw ni ma'am.
"Y-ye-ye-yes m-ma-ma-ma'am?" halos di na makapagsalita ng maayos si Razzel.
Sino ba namang hindi mauutal eh nakakakilabot tong teacher namin! Lahat kaya kami takot sa kanya!
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...