Mira's POV
Lumabas ako ng bahay at binuksan yung gate. "Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya habang nakataas isa kong kilay.
"Kukunin ko lang yung uniform ko! Wala ka na atang balak isoli kaya ako na kukuha"
-.-
Dapat lang naman na sya yung kumuha no! Pupunta punta pa kasi dito. -.-
"Dyan ka nalang labas, kukunin ko lang uniform mo"
"Ayoko nga! Ang init init dito! Tabi!" aba! Loko talaga tong gunggong na to! Nauna syang pumasok sa bahay ko. Sumunod naman ako. Nakaupo sya sa sofa.
-.-
Feel at home akala mo kanya tong bahay na to!
-.-
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung uniform nya sa may drawer. Pagkakuha ko lumabas na ako.
"Oh! Ayan! Chupi na!" sabay hagis sa kanya ng uniform nya.
"Mamaya na"
"ANONG MAMAYA?!
"Later"
"Sira ka ba?! Ano ka sinuswerte?! Chumupi ka na!"
"Ayoko sabi! Mamaya nalang! Baka kasi pumunta ulit si Scarlett sa bahay! Mabibwisit lang ako!"
Girlfriend nya yon ah? Bat sya mabibwisit? Nag-away sila?
"Tss! Baket?! Nag-away kayo?"
"Hindi"
"Eh ano?"
"Di kami nag-away, never pa. Pero nakipagbreak sya sakin" nakita kong napatungo sya at parang may sakit syang nararamdaman.
Eh malamang break up eh!
Tss! Sabi ko na nga ba! Wala talagang forever!
"Tama yung sinabi mo sakin non" patukoy nya sa sinabi ko nung nakaraan. Nakalimutan ko kung anong eksaktong sinabi ko pero alam kong tungkol yon sa Scarlett na yon.
"Tss!"
"Bakit ganon? Sineryoso ko naman sya pero niloko nya lang ako.. Minahal ko sya pero sinaktan nya lang ako… nakakatawa diba?"
Di ko alam kung anong sasabihin ko. But I know na kailangan nya ng makikinig sa kanya. Pero bat kailangang sakin nya sabihin? Eh may kaibigan naman sya. Bahala na!
"Bakit daw ba sya nakipagbreak?"
"Sabi nya di daw ako yung talagang gusto nya. Na sinagot nya lang ako para pagselosin yung taong gusto nya"
Loko pala yung Scarlett na yun! Kailangan nya pang manloko ng ibang tao para lang sa sariling kagustuhan nya!
"May mga tao talaga na handang manloko para lang sa ikakasaya nila"
"Yeah, you're right. Di ko alam na kaya nyang gawin sakin yon"
Di ko alam sasabihin ko. Di naman ako relate eh!
"Almost 3 years na kami pero bigla syang naglet go. And the most painful is, yung gusto mo pa pero ayaw nya na"
"Edi tanggapin mo nalang"
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...