Mira's POV
Habang naghihintay ako kay Shaun, may tumabi sakin. Napatingin ako don. Si Justine. Ngumiti sya sakin.
Ang gwapo nya sa suot nya. Tapos yung long hair nya, yung hairstyle lalong dumagdag sa kagwapuhan nya.
"Bakit?" tanong nya. Napaiwas naman ako ng tingin.
Nasobrahan ata ako sa titig.
>×<
"Ah, wala"
"Hmm... Pwedeng humiling?" tanong nya.
"Huh? Hiling?"
"Oo.... Gusto ko sana na ako yung first dance mo" natigilan ako sa sinabi nya.
First dance?
Hala! Baka ayain rin ako ni Shaun.
-.-
"Ahh.. A-ano k-kasi--"
"I'm her first dance" bumalik na pala si Shaun. May dala syang desserts. Umupo sya sa katabing upuan ko. Bale napapagitnaan nila ako. "If you want, maging second dance ka nalang nya. But bilisan mo lang ah?"
-.-
Di naman nakasagot si Justine. "Ahmm.... Sige, alis na ako" paalam nya at tumayo saka umalis.
Hays! Wala na sya.
"Mukhang may lumalandi sa pansit ko ah? Ganda kasi" pagpaparinig ni Shaun.
-.-
"Tss! Sira!"
Tumawa sya. Tumawa rin ako. Kinain na namin yung dessert. Nagsimula naman na yung event. Nagsalita muna sa harap yung emcee. After non, nagperform na yung mga dance troupe. Maraming nag-eenjoy ngayon. Puro hiyawan. Tilian. Ang sakit sa tenga. Nakipag-usap muna si Shaun sa mga kakilala nya. Mag-isa lang ako ngayon. Walang magawa kaya lumabas muna ako.
Mas malamig pa pala dito sa labas.
"Hey" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon. Si Justine. Anong ginagawa nya dito?
"Bakit nandito ka? Nag-eenjoy sila don oh"
"Ikaw, bakit nandito ka?"
"Ang boring sa loob tsaka ang ingay"
"Hmm... Ganon din dahilan ko"
"Ahh"
"You looks beautiful" napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa langit.
"Hindi ah. Mas maganda ka pa nga sakin eh" natawa naman sya.
Seryoso ako! Mas maganda sya! Dahil sa sobrang gwapo nya nagmumukha syang magandang babae.
"You mean, gwapo ako?"
"Na gets mo ko?"
"Oo, di naman ako slow" natawa nalang ako. Tumawa rin sya.
"You like stars?" tanong nya habang nakatingin sa mga bituin. Tumingin rin ako sa kalangitan.
"Oo"
Ang sarap kaya sa mata yung mga bituin.
"I like you too" natigilan ako at napatingin ako sa kanya. Tumingin rin sya sakin.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...