Sammer's POV
Di ko alam kung anong pumasok sa utak ng panget na to at gusto akong makalaban. Well! Matatalo lang naman sya.
-,-
Nagsimula na kaming dalawa. Nauna syang magkaroon ng score. Pero di ako nagpatalo. Nilamangan ko sya. Pero di rin sya nagpapatalo. Ayun! Dikit na dikit ang laban! Parang di ko na alam kung sinong mananalo. Walang pustahan to pero gusto ko syang makalaban para mapahiya sya. Ang yabang kasi! Tss!
Nasa kanya yung bola. Dinidribble nya habang nakatingin sa mata ko. Nakatingin rin ako sa kanya. Para akong kinakabahan na ewan. Tss! Ano ba tong pusong to! May sakit na ba ako?
Alam ko na yung style nya. Kunwari sa kaliwa sya dadaan pero ang totoo sa kanan. Kumbaga nililito nya lang yung kalaban nya. Great! Pero di ako nagpalito, nung paikot sya sa kanan, hinarangan ko sya. Pagkaharap nya sakin, na-out of balance sya. Di ko alam kung bakit ko sya sinalo. Parang nagslow motion ang lahat! Nagkatitigan kami deretso sa mata.
Yung puso ko. Tumitibok na naman ng mabilis!
-.-
*****
Justine's POV
Lahat kami ay napatayo sa nakita namin. Nung muntikan ng matumba si Miracle ay agad syang sinalo ni Sammer. Nagkatitigan pa sila.
"Omg! Kinikilig ako!" sabi ng mga babae sa gilid ko. Umiwas nalang ako ng tingin.
Lahat sila kinilig maliban sakin. I like her. I like Miracle. And... And I'm jealous.
Umalis ako sa court at pumunta sa may swing para dun nalang umupo.
Bumuntong hininga ako.
Alam kong di malabong magkamabutihan silang dalawa ni Sammer. Di malabong mahulog si Sammer sa kanya. Hays! Nakakainis! Ang torpe ko kasi!
-,-
Magsiswing na sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. May tumatawag.
*Calling 09*********
Sino to?
"Hello? Who's this?.... What?!... H-how did you get my number?.... Kailan?.... Tss! Bahala ka sa buhay mo.... Busy ako... No!... Umuwi ka mag-isa mo!.... Malaki ka na and you don't need me... Bye!"
Tss! Ang dami daming taxi sa airport magpapasundo pa!
Umalis na ako sa park. Di na ako nagpaalam dahil naghihintay na yung kapatid ko. Sumakay na ako sa kotse at pumuntang airport.
*****
Hunter's POV
Potek na malagkit! Chumachansing tong Sammer na to! May girlfriend na nangchichix pa! Aba! Gumanda lang si Miracle! Tsk! Tsk! Tsk!
Nakita kong tinulak ni Miracle si Sammer palayo. Siraulong Sammer! Di pa kinuha yung bola! Hawak tuloy ulit ni Miracle! Nagpatuloy na sila sa paglalaro. Masasabi kong magaling si Miracle sa basketball. Kahit sinong lalaki mamamangha sa kanya dahil sa galing nya sa basketball. Habang nanonood ang lahat, napatingin ako sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...