Sammer's POV
Ano ba tong ginagawa ko?! Bakit ko ba sya tinutulungan eh kaaway ko sya?!
Kasalanan nya na kung bakit sya natrap sa loob! Tatanga tanga kasi eh!
Nagbago na ang isip ko. Di ko na lang sya tutulungan. Bahala sya sa buhay nya.
Naglalakad lakad ako habang tinatawagan sila mommy. Kaso ayaw naman sagutin, baka busy sila. Hays! Puro nalang sila trabaho!
Bakit ba kasi hinintay ko pa yung pangit na yon?! Natrap tuloy ako dito! Grr!
Napatingin ako sa gilid at may nakita akong isang tubo na bakal.
May ganon ba? Wahahaha! Basta yun na yun!
Bigla kong naalala si pangit.
Aish!!! Kinokonsensya nya ako ah!
Tinitigan ko muna ng ilang segundo yung bakal na yon bago ko pulutin. Patakbo naman akong bumalik sa locker room kung nasaan si pangit.
Bakit ba ako kinakabahan?!
Hinampas ko ng hinampas yung padlock. Sa bawat paghampas ko lalo akong kinakabahan. Nanginginig na pati mga kamay ko sa kaba. Halos di ko na mahampas ng maayos yung padlock.
Hinampas ko ulit ng hinampas.
Bwisit! Pinapahirapan pa ako ng pangit na yon!
*****
Mira's POV
May naririnig akong pumupukpok sa labas. Napangiti naman ako dahil sa wakas ay makakalabas na ako. Pero di ako sigurado kung makakalabas pa ako ng buhay. Tagaktak ng pawis ang mukha ko sa sobrang init. Ang hirap huminga. Naninikip na ang dibdib ko sa init. Nakasandal lang ako habang hinihintay yung katapusan ko haha!
"Kung mamamatay ako ngayon, sana lang ay nagawa muna akong mahalin ng tatay ko. Sana gumanda muna ako bago ako mawala sa mundo" natatawa kong sabi sa sarili ko. Nagbabadya na naman ang mga luha ko.
"Hoy pangit! Magsalita ka nga! Pag di ka nagsalita di kita tutulungang makalabas!" sigaw ni ugok. Halatang nanginginig yung boses nya. Napangiwi naman ako.
Alam nyo ba kung bakit di ko sya sinasagot kanina?
Gusto ko syang makonsensya. Alam kong tutulungan nya ako. Kahit na masamang damo sya, alam ko may kabutihan naman syang taglay.
Bahala sya sa buhay nya. Hirap na nga akong huminga pagsasalitain nya pa ako. Hingal na hingal na nga ako dahil sa init eh.
Pumikit nalang muna ako habang pinipilit na makahinga.
*****
Sammer's POV
Bwisit! Di nya na naman ako sinagot!
Patay na kaya sya?
O - O
> _________ <
Hinampas ko ulit yung padlock. Hinampas ko nang hinampas. At sa huling hampas ko, nasira na yung padlock.
Hoooo! Nangalay ako don ah!
Inalis ko yung sirang padlock at binuksan ko yung pinto. Pero di ko maibukas ng maayos dahil parang may kung anong mabigat na nakaharang dito.
Pinaglololoko ba ako ng babaeng yon?!
Magpapatulong sya tapos lalagyan nya ng harang sa loob! Anong katangahan yon?!
Pinilit kong buksan yung pinto hanggang sa magbukas ito ng maluwang.
Wala sa kwartong to ang switch ng ilaw na to. In-on ko nalang yung flashlight ng phone ko at hinanap ko si pangit.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Love
Teen FictionIsang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina't basahin ang... The Bad Boy's Love Originally by HisMasterPiece_WP (IAMAIMAS) ©ALL RIGHTS RESERVED...