CHAPTER 1

71.6K 2.5K 389
                                    

NApatingin ako sa salamin sa aking harapan. It is a full length mirror.

Hinawakan ko ang aking kulay puting buhok. It is almost silver na may hanggang bewang na haba. Tuwid na tuwid ito.

I have this ability that can manipulate the color of my skin, eyes and hair. Bata pa lang ako alam ko na iyon. At first, inisip ko na iyon na talaga ang kapangyarihan ko. Nothing special but later on it turns out that I am more than special and I hate it. I don't like the idea of having a power that can easily destroy anything and everything.

Para akong isinumpa. I am cursed. I am a monster. Iyon ang palaging naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa akin.

Even this chain around my ankle. I can easily break it but heck, I am afraid of myself. Afraid of the thoughts that I might destroy this whole room and worse this whole mansion. Thinking about that all of the people in this mansion might died in my hands makes me want to end my life.

I am not a killer. Yes, I have killed many lives and it is not my fault. They are afraid of me. That's why.

Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa aking pag iisip. Agad akong tumakbo sa may balkonahe upang tingnan kung anong nangyayare.

I saw how the mansion's barrier slowly breaking. Duon nakita ko ulit ang isang malaking itim na itim na bato ang sumalpok sa barrier ng aming mansion na naging dahilan ng tuluyan nitong pagkabasag at unti-unti na itong nalusaw at nawala.

What is happening? Tanong ng aking utak.

Naguguluhan ako dahil wala man lang kahit isa ang pumupunta sa aking silid upang sabihin kung anong nangyayare. Hindi rin naman ako makakalabas dahil sa nakakadena sa aking mga paa.

Napatingin ako sa may ibaba. I am not knowledgeable when it comes to rebels but I am hundred percent sure that they are rebels. The people outside are the rebels of this world.

I once red a book about them. Pagala-gala lang sila sa labas. Sa capital at sa kahit saan. They are rebels because they uses black magic. Sila yung mga taong walang kapangyarihan simula ng ipanganak sila and with the help of black magic nagkakaroon sila ng kapangyarihan na katulad ng sa normal na mage. Elemental and others. Ang pinagkaiba nga lang, they produce black smoke along with their magic, ito ay kung baguhan palang. Ngunit sa pagtagal ng panahon, natutunan nila ang tamang paggamit upang hindi lumikha ng black smoke so they can deceive many mage. Matapang ang amoy nito ngunit hindi parin iyon sapat upang maamoy sila ng mga mage. Masakit sa ilong.

Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Kahit malayo sila sa akin at nasa ibaba sila ay amoy na amoy ko ang black smoke sa katawan nila. It's stinky. The offensive smell that comes from them made my brows furrowed.

Kahit hindi sila maglabas ng kapangyarihan. Amoy ko pa rin sila.

They are wearing black cloak and I can see from here that the back of their cloak has some kind of symbol or crest which is color red.

Patuloy na nakikipaglaban ang mga rebels sa mga guards ng mansyon. Magic to magic. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

I know they can't hurt me. Lalo na at mga rebels sila. Their blood are now full of black magic. It can trigger my magic once na lumapit sila sa akin.

"Haia." <Ha-ya>

Nawala ang atensyon ko sa mga rebels na nasa labas. Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon at ang palayaw na matagal ko ng hindi naririnig. Napalingon ako sa may pinto ng aking silid. I saw my brother. Hinihingal ito na tila kagagaling lang sa matinding pagtakbo.

"Kuya." mahinang usal ko.

Ngayon ko nalang siya ulit nakita. Kahit nasa iisang mansion lang kami ay kahit minsan, sa loob ng sampong taon hindi ko na siya nakita pang muli. Para bang hindi kami nakatira sa iisang mansion. He looks more matured now.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon