CHAPTER 22

44.6K 1.8K 163
                                    

VERLY'S POV

Napapikit ako dahil sa matinding usok na nilikha ng dragon at ni Kyrios. Natumba ang malaking dragon, wala akong makita. Napatakip ako sa aking ilong dahil sa usok.

"Haia," rinig kong sigaw ni Kyrios ngunit hindi siya mahagip ng aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Haia pero bigo din akong makita siya. Sobrang kapal ng usok.

Halos ubo ng mga estudyante ang aking naririnig. Maging ako ay napapaubo na din dahil sa makapal na usok.

Napalingon ako sa kung saan ng makarinig ako ng tunog ng bakal na naguuntugan. Halos mapakunot ang aking noo. Ano yon?

Biglang nahawi ang usok sa aking harapan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang walang malay na katawan ni Haia.

"Haia!" Sumigaw ako sa kaniya ngunit nang lalapitan ko na siya ay biglang may sumulpot sa aking harapan.

Halos mapatakip ako sa aking bibig dahil sa pandidiri. Isa siyang rebelde, nasisigurado ko ang bagay na iyon. Pinipigilan kong masuka dahil sa nakakadiring mukha ng rebelde sa aking harapan. Nanlalagkit ang kaniyang mukha na parang nalusaw. Maging ang ilong niya ay wala. Matutulis ang kaniyang ngipin at patuloy ito sa paglalaway. Nakakadiri.

Hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa. Nang silipin kong muli si Haia ay nasa ganon posisyon pa rin siya. Napansin ko na may kadena sa kaniyang magkabilang kamay at paa.

"A-anong kailangan niyo kay Haia?" Kinakabahan kong tanong sa rebelde. Napakagat labi ako.

"Haia," rinig kong sigaw ni Kyrios sa kung saan. Napapalibutan pa rin kami ng makapal na usok na hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala.

"Hindi mo na kailangan malaman," nakangising usal nito. Mabilis siyang nawala sa aking harapan.

Napaupo ako dahil sa panlalambot ng aking binti. Halos maduwal ako dahil sa istura ng rebelde at sa hindi maipaliwnag na dahilan ay umiikot ang aking tyan.

Nang mapatingin muli ako sa gawi ni Haia ay lalo akong nanlambot dahil wala na don ang katawan ni Haia. Napatulala na lamang ako.

Bakit? Bakit hindi ko nagawang iligtas si Haia?

Hindi ko alam kung gano katagal nawala ang usok. Nanumbalik lang ako sa wisyo ng iangat ako ni Lory upang makatayo.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Lory. Wala sa sariling napatango ako. Inilibot ko ang aking paningin ng mapansin kong wala na ang mga dragon. Lahat ng class S na natira ay nasa gitna lamang.

"Si Haia," wala sa sariling usal ko.

Nangunot noo naman si Lory. Inilibot ko ang aking paningin.

"Iyon si Haia," turo sa akin ni Lory. Halos manlaki ang mata ko.

Hindi ba't dinukot siya ng mga rebelde. Sigurado akong nakita ko siyang walang malay at nakagapos ang paa at kamay. Sigurado ako sa bagay na iyon.

Napatitig ako sa Haia'ng hindi kalayuan sa pwesto namin. Nakangiti ito habang nakikipag-usap. Hindi maikakaila na ang pisikal na anyo niya ay katulad ng kay Haia. Sigurado akong hindi siya si Haia. Ang tunay na Haia ay dinakip ng mga rebelde.

"L-lory, hindi siya si Haia," nangangatal na usal ko dahil sa takot.

"Ano bang sinasabi mo Verly?" kitang-kita sa mukha ni Lory na hindi siya naniniwala sa akin.

"Totoo ang sinasabi ko. Dinakip ng mga rebelde si Haia," mariin na usal ko habang nakatingin kay Lory na mukhang ang tingin na sa akin ay nahihibang.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon