HAIA'S POV
"Please Stop!" Patuloy na pagmamakaawa ko. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko man kita si Kyrios ay alam kong nahihirapan na siya sa mga oras na ito. Alam kong malakas si Kyrios pero sigurado akong wala siyang laban sa Black Magic.
"We need to kill him and your friends Haia," seryosong usal ni Lola Fina kaya naman napailing ako.
I can't take it anymore. Iniisip ko palang na mamamatay si Kyrios dahil sa akin ay hindi ko na kakayanin pa. Ngayon ay dumating din sina Verly, hindi ko man sigurado kung sino ang mga kasama niya pero alam kong hindi rin sila papalampasin ng anak ni Lola Fina.
"Leave them alone, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo. Huwag niyo lang silang sasaktan," pagmamakaawa ko kay Lola Fina. Seryosong tumingin naman sa akin si Lola Fina bago tumango.
"Erol, tama na. Pakawalan mo na ang mga bata," usal ni Lola Fina sa kaniyang anak. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa kaniyang mga sinabi.
"Please, Umalis na kayo sa lugar na ito. Hindi ko kailangan ng tulong niyo?" Mariin kong pahayag. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa aking tono ng boses. Napalunok ako dahil sa sakit na aking nararamdaman.
"Bullshit Haia, I am not going to leave you here alone with this goddamn rebels," galit na usal ni Kyrios. Bumuntong hininga ako.
Hindi pwede, sa ayaw at sa gusto niya kailangan niya na akong iwan dahil hindi niya ako mapoprotektahan laban sa black magic. Gusto ko man din siyang protektahan ay hindi ko magagawa.
Kung gagamitin ko ang aking Sacred Magic ay sigurado akong maapektuhan lahat dahil hindi ko pa ito makontrol at kanina pa nito gustong makawala sa aking katawan.
"Just go Kyrios," matamlay na usal ko.
I can't think. Lagi nalang ganito, ako lagi ang dahilan ng lahat ng paghihirap at katapusan ng mga taong malalapit sa akin. Siguro nga, tama lang na ikinulong nila ako sa aming mansion noon. Walang magandang maidudulot ang aking kapangyarihan sa labas ng mansion. Sisirain ko lang ang buhay ng bawat taong makikilala ko.
Tumulo ang aking luha ng maalala ko ang nahihirapang mukha ni Nikishi sa huling sandali. Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon kung saan nakaya kong kitilin ang buhay ng taong naging parte na ng aking buhay. Ang kauna-unahang kaibigan na tinuring akong parang isang mapagkakatiwalaan na tao. Dahil sa akin, napahamak siya. Dahil sa akin, namatay siya.
"Wala kayong kinalaman dito, Umalis nalang kayo. Ako ang kailangan nila at hindi kayo. Hindi ko kailangan ng tulong niyo," malakas na usal ko para maintindihan nila na nahihirapan na ako sa aking kalagayan.
"Haia," rinig kong saad ni Verly sa hindi kalayuan.
Napaluha ako dahil sa isang bagay. Pinuntahan nila ako upang iligtas at isang pagkakamali ko lamang ay maaring mapahamak sila.
"Haia, hawakan mo ang kamay ng apo ko," muling wika ni Lola Fina.
Labag man sa loob ko ay ginawa ko ang kaniyang gusto. Napakagat labi ako ng madama ko ang malamig napalad ng kaniyang apo.
"Haia! Fvck it," rinig kong madiin na wika ni Kyrios ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
Nagsimula muling bumigkas ng mga katagang banyaga sa aking pandinig si Lola Fina. Kakaibang pakiramdam ang aking nararamdaman sa sistema ko. Para bang nagbubuhol-buhol ang aking sistema. Pakiramdam ko ay may dumadaloy na kung ano sa buo kong katawan.
Napabitaw ako sa kamay ng lalaking katabi kong biglang ay dumaan na mainit na apo. Nagulat ako ng maglaglagan ang mga kadenang nakaposas sa aking mga kamay at paa.
BINABASA MO ANG
Royal Magian Academy: The Sacred One
FantasySYNOPSIS In ALETHIA HEIROS ALKE's whole life she doesn't want anything but to escape from the mansion where she was locked up by her own family. She knew why her family is afraid of her. Alam niya, alam niya sa sarili niya ang kaya niyang gawin. She...