CHAPTER 24

44.7K 2.2K 445
                                    

Third Person's POV

Mapait na nakangiti ang matandang si Josefina habang pinagmamasdan ang kaniyang apong nakahimlay sa kama. Walang kulay ang katawan at hindi na nahinga pa.

"Makakausap na muli kita, aking apo," masayang pahayag ni Josefina.

Bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang lalaking may malaking pangangatawan. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito.

"Hindi na ako makapaghintay pa, sisiguraduhin kong papaltan nila ang kinalalagyan mo ngayon," malamig na usal ng lalaki habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na nakahimlay sa kama.

"Hindi ko alam na makakaisip ka ng ganitong kagandang plano, Erol anak." Masayang pahayag ni Josefina sa kaniyang nag-iisang anak na lalaki.

"Para sa susunod na Pinuno ng mga rebelde. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Lahat ng dapat magbabayad ay aking sisingilin," madilim na usal ni Erol ang anak ni Josefina.

Sariwa pa sa alaala ni Josefina kung paano namatay ang kaniyang apo. Naninilbihan sila sa pamilya ng mga dugong bughaw. Simple lang ang pamumuhay nila non. Ang kaniyang anak na si Erol ay nagtataglay ng kakaibang mahika, mahika na ipinagbabawal sa buong Majikos. Ang mahikang kayang magbigay ng mahika sa taong hindi nagtataglay nito. Ito ay tinatawag na black magic.

Nang magkaanak si Erol ay laking tuwa nila ngunit dulot ng panganganak ay namatay ang asawa ni Erol. Biniyayaan sila ng isang lalaking sanggol na nagtataglay ng walang katapusan na kapangyarihan ng black magic.

Ang kanilang mga kakilalang kaibigan ay walang mga kapangyarihan. Pare-parehas silang naninilbi sa mga dugong bughaw na pinagmamalupitan sila. Iyon lagi ang daing ng mga kaibigan ni Erol sa kaniya kaya naman dahil sa awa, galit at puot. Ginamit niya ang Black Magic upang palaganapin ang kadiliman.

Nang tumanda na si Eros na anak ni Erol ay siyang pagkakaroon ng matinding lakas ng black magic sa katawan nito. Hindi nakayanan ni Eros ang kapangyarihan ng Black Magic kung kaya't nawalan ito ng buhay.

Ilang taon naghanap ng paraan si Josefina. Ilang taon siyang gumawa ng iba't ibang klase ng gamot upang mabuhay muli ang apo ngunit bigo siya.

Ang tanging paraan na lamang na naiisip niya ang bagay na alam niyang imposible ngunit hindi niya aakalain na magtatagumpay sila.

Ang paraan na iyon ay ang pakikipag-isang dibdib sa babaeng nagtataglay ng Sacred Magic. Ang Sacred Magic lamang ang may kakayahan na limitahan ang paglabas ng black magic sa katawan ng totoong may ari ng kapangyarihan na iyon.

Ang pagkakasal nila ay siyang magiging ritwal upang mabuhay muli ang nahihimlay na kaluluwa ni Eros dahil sa Black Magic. Sa muling pagkabuhay ni Eros ay makakayanan muli ng katawa nito ang kakaibang lakas ng Black Magic. Iyon ang kanilang plano.

Sa kabilang banda, humahangos na binuksan ni Deflin ang kinaroroonan ni Erol at ng nanay nitong si Josefina.

"Anong problema?" Bungad sa kaniya ni Erol. Napalunok naman si Deflin.

"Nalaman na nila. Sigurado akong kikilos na sila upang bawiin si Haia," usal ni Deflin. Nagkatinginan naman si Josefina at Erol.

"Kung ganon, kailangan na natin gawin ngayon ang ritwal," seryosong usal ni Josefina.  Natatarantang tumango si Erol.

"Flin, utusan mo ang mga rebelde na dalhin sa bulwagan si Haia. Kami na ang bahala kay Eros," utos ni Erol kay Deflin. Tumango lamang si Deflin bago sumunod sa utos ng Pinuno ng mga rebelde.

"Hindi ba't kailangan na dapat makalipas ang isang araw bago gawin ang ritwal?" Tanong ni Erol sa kaniyang nanay. Tumango naman si Josefina.

"Ganon na nga ngunit wala na tayong oras. Kailangan na nating isagawa ang pag-iisang dibdib nilang dalawa upang mabuhay muli si Eros," saad ni Josefina.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon