HAIA'S POV
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong sa akin ang aming personal doctor. Ngumiti naman ako ng tipid bago nagsalita.
"Okay na ako. Wala naman akong sakit hindi ba? Ewan ko ba kay Mommy kung bakit lagi kang pinapapunta sa amin." Sumimangot ako. Wala naman talaga akong sakit bukod sa wala akong maalala basta nagising nalang ako na lagi akong dinadalaw ng doctor.
"Mabuti naman kung ganon. Hindi ba enrollan na sa Royal Magian Academy?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako ng walang kagana-gana.
"Nabanggit nga sa akin ni Kuya, naenroll niya na ako kahit ayoko naman pumasok. Ewan ko. Gusto ko lang magkulong sa kwarto. Mahiga ganon," nakasimangot ko pa rin na sabi. Tumawa naman ang aming personal doctor.
Kalaunan ay nagpaalam na din ito na aalis siya. Napangiti naman ako dahil pwede na akong makatakas.
Handa na sana akong magteleport ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng aking silid kaya pabagsak akong nahiga sa kama at nagtaklob ng kumot. Peke akong umubo.
"Alam kong wala kang sakit Haia. Bumangon ka nga dyan," rinig kong wika ni kuya Theo. Napaismid naman ako. Akala ko pa naman makakapaggala na ako sa capital.
"Oh, bakit ka andito?" Ipinagkrus ko ang aking braso ng hinarap ko si Kuya na seryosong nakatingin sa akin.
"Sa isang araw ay sa Royal Magian Academy kana tutuloy. Pinapaalam ko lang sayo. Ano bang gusto mo? Kanina pang nakabusangot yang mukha mo," usal ni kuya kaya naman napangiti ako ng wagas.
"Gusto ko lang mamasyal sa Capital," sagot ko dito. Tumango naman si kuya.
"Okay, ako na bahala kina Mommy."
Napatalon ako sa saya. Sa wakas ay makakalabas na din ako sa aming mansion. Nitong mga nakaraang araw kasi ay ilang beses ko na atang nilibot ang napakalaki naming mansion pero bored pa din ako.
Nang makarating ako sa Capital ng Majikos ay nagtatasang gusali ang aking nakikita. Nakakatuwa dahil moderno na ang mga gusali sa Capital. Madami na ding sasakyan sa daan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Masaya lang akong naglalakad. Nakakatuwa.
Napatigil ako sa isang botique ng damit. Ang ganda nung dress. Simple lang ito na kulay puti. Hindi ko alam pero sobrang paborito ko ang kulay puti.
"Mommy, look oh. She's beautiful." Rinig kong usal ng maliit na bata kaya naman napabaling ako dito.
Tumambad sa akin ang cute na cute na bata na may malaking mata.
"Hello cutie," nakangiting usal ko.
I lower my height. Nakatuon ako sa aking tuhod upang makita ko ng malapitan ang bibong bata.
"Hello po. You are so beautiful," wika nitong muli gamit ang kaniyang maliit na boses. Napangiti naman ako.
"Salamat. You too are beautiful baby." Nginitian ko ang bata matapos kong magsalita.
Pinagmasdan ko kung paano niya inabot ang mahaba at kulay platinum blonde kong buhok.
"Anlambot," nakangiti niyang pahayag.
"Pagpasensyahan mo na hija. Mahilig kasi siya sa mga manika," usal ng kaniyang mommy sa akin. Tumango naman ako at umayos na ng tayo.
"Naku, okay lang po. Ang cute naman po ng anak niyo."
"Sige hija, mauna na kami ha."
BINABASA MO ANG
Royal Magian Academy: The Sacred One
FantasíaSYNOPSIS In ALETHIA HEIROS ALKE's whole life she doesn't want anything but to escape from the mansion where she was locked up by her own family. She knew why her family is afraid of her. Alam niya, alam niya sa sarili niya ang kaya niyang gawin. She...