CHAPTER 16

49.5K 2K 137
                                    


Nang makalayo sina Kyrios sa lugar na ito ay hindi ko na napigilan pa ang aking sacred magic. Huminga ako ng malalim bago ko inilapag sa lupa ang aking kamay.

Nawala na rin ang whirlwind sa aking harapan. Pinanood ko kung paano mawalan ng buhay ang lahat ng bagay na madadaanan ng aking kapangyarihan. Natuyot ang lawa. Natuyot ang mga puno at ang mga halaman. Nagbagsakan ang mga ibon na nasa puno noong mga oras na iyon.

Malaki ang Gemava Forest at sigurado akong kalahati nito ang maapektuhan ng aking mahika. Hindi ko man gustuhin ay wala akong ibang magagawa.

Mabilis akong tumayo at sinundan sina Kyrios. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko maisip kung ano ba ang bagay sa sistema ko na unti-unting nababasag sa tuwing nakakaramdam ako ng kakaiba.

Nang maabutan ko sina Kyrios ay pasan pasan na nila ang dalawa na hanggang ngayon ay wala pa rin malay.

"Magpahinga muna tayo," usal ni Kyrios ng makalabas kami sa Gemava Forest. Tumigil kami sa lilim ng malaking puno.

"Paano yan, hindi tayo nakakuha ng isang bote ng tubig sa Sacred Lake ng Gemava Forest," saad naman ni Reiko habang bumuntong hininga.

"Sa tingin niyo ba? Tayo palang ang nakakapunta sa Sacred lake?" tanong ko sa kanilang dalawa. Kumunot naman ang noo ni Kyrios bago ako tiningnan ng mariin na para bang sinusubukang basahin ang isip ko.

"Sa tingin ko, tayo palang dahil ang Gemava Forest ay malayo na sa Capital at sa iba pang mga lugar kung nasaan ang mga sangkap na kailangan natin," wika ni Reiko kaya naman napatango nalang ako.

Tama siya. Kung gayon, imposible ng makakuha pa ng tubig sa Sacred lake ang iba pa naming mga kaklase dahil tuyot na ito. Malabong may makatapos ng aktibidad na ito sa aming lahat.

Third Person's POV

Nang matapos ang grupo nina Georgina sa Awona Mountain ay napagpasyahan nilang isunod ang Gemava Forest dahil ito ay matatagpuan lamang sa likod ng Awona Mountain. Malayo kung iikutin pero kung gagamitan ng teleportation ay mabilis silang makakarating.

Alam ni Georgina na hindi lamang sila ang gumagamit ng teleportation kahit bawal ito. Iniisip niya na hindi naman ito maiiwasan.

"Dalawa nalang ang kulang natin, makakabalik na tayo sa Academy," wika ni Georgina na sinang-ayunan naman ng kaniyang mga kagrupo.

Nang makarating sila sa Gemava Forest ay kakaibang kilabot ang kanilang naramdaman dahil sa kanilang naabutan. Mga tuyong puno, tuyong mga damo at mga bangkay ng mga hayop.

"A-Anong nangyari sa lugar na ito?" nauutal na pahayag ni Verly Mufi, isa sa kagrupo ni Georgina.

Napatakip naman sa bibig ang iba pa dahil sa nasaksihan. Alam nilang hindi ito pangkaraniwan. Lahat ng bagay na madadapuan ng mata nila ay walang buhay.

Nang makarating sila sa lawa ay lalo silang nagimbal. Wala na itong tubig pa at ang mga isda na dapat ay lumalangoy sa mga oras na 'yon ay natuyot din.

Hindi makapaniwala si Georgina sa kaniyang nakikita. Sigurado siyang napakalakas na nilalang ang gumawa nito sa mahigit na kabuuan ng kagubatan. Hindi niya maipagkakailang natatakot siya at kinikilabutan. Kakaiba ang hatid ng kanilang nasaksihan.

Dahil sa takot at pangamba ay wala ng nagawa pa sina Georgina kundi ang linasanin ang lugar na iyon. Alam na nilang hindi nila makokompleto pa ang sangkap.

Matapos umalis nina Georgina ay sumunod naman ang grupo ni Genesis Alke.

Ang bawat isa din sa kanila ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Ngunit, Si Genesis Alke ay may malalim na iniisip ng makita ang nangyari sa Gemava Forest. Sa tingin niya, alam niya ang gumawa ng bagay na iyon sa Gemava Forest. Napangisi na lamang siya bago umiling.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon