FHANA'S POV
Hindi ko akalain na magkakaroon ng ganitong eksena sa Academy. This is a mess. Sobrang daming mga tauhan ng makapangyarihang pamilya ang nakakalat. Napairap nalang ako sa ere at nagpapatuloy sa aking pagkain. Pakiramdam ko ay napakahaba ng araw na ito.
"I wonder what's going on," usal naman ni Phoebe.
Ang araw ng kompetisyon ngayon ay hindi katulad ng dati. Ngayon ay parang walang naganap na event dahil sa nangyayari.
"Magkakasama tayo pero hindi mo talaga alam na dinakip si Haia ng mga rebelde?" Tanong sa kaniya ni Fenrell.
"Alam ko ang bagay na yon. What's new right? Alam naman nating lahat na hindi lang si Haia ang kauna-unahang nadakip ng rebelde." Nagkibit-balikat si Pheobe. Tama siya, ilang estudyante na ng Academy ang nadakip ng mga rebelde at hindi na nakabalik pa.
Kung dati ay normal na araw pa rin iyon kahit malaman ng lahat na may nadakip ang mga rebelde ay ibang-iba sa ngayon dahil hindi magiging normal na araw ito kung sobrang daming tauhan ng mga Grio at Alke ang nakakalat sa buong Academy.
"So what's your point Phoebe?" Tanong naman bigla ni Reiko.
Napatingin naman ako sa tahimik na si Georgina. Napairap nalang ako sa ere.
"My point is, there is something going on that we don't know," seryosong saad ni Phoebe. Napaisip naman si Reiko ng malalim. Bumaling si Phoebe kay Georgina.
"You know Headmaster Hesh, George. He doesn't even care with the student with lower rank and Haia is not even a noble," usal naman ni Phoebe kaya naman natahimik kaming lahat. We all know that.
Hindi rin iyon maitatanggi ni George. Masama man pakinggan pero iyong ang katotohanan. Hindi aaksyon agad si Headmaster Hesh kapag ang biktima ay galing sa mababang ranggo ng pamilya ng mga noble at tama si Phobe. Haia is not even a noble in the first place. Kaya siguro siya nagtataka kung bakit gumagawa na ng aksyon ang Academy para mabawi si Haia. Now, pati ako ay naguguluhan na din.
"Where is Kyrios by the way?" Biglang tanong ni Georgina makalipas ang ilang minuto.
That's really her. Ang iniisip niya lang lagi ay si Kyrios. Kyrios is not even interested in her but she keep pushing herself to kyrios. That's so pathetic. I moved on. Matagal ko ng natanggap na wala akong pag-asa kay Kyrios simula ng dumating si Haia.
I saw the way he looks at Haia. There is something between his stare. Full of passion, adoration and intensity. He looks at her like she's a kind of vulnerable porcelain. I witness that kind of stare but poor Georgina. She don't know about that at sigurado akong kahit alam niya ang bagay na iyon ay walang magbabago. Her love for Kyrios is toxic.
"Oo nga, hindi pala siya sumunod sa atin," usal naman ng pinsan kong si Fenrell. Inilibot niya pa ang kaniyang paningin sa buong cafeteria.
"Did you saw the sky? It's creepy."
"The sky is dark gray. I don't feel good about this."
"Nawalan na din ako ng ganang kumain. Kinakabahan ako."
"Same. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari anytime."
"This is the first time na nangyari ang ganito."
"What are they talking about?" Tanong ko bigla dahil sa aking sari-saring naririnig.
"Let's see," saad ni Reiko at tumayo ito. Nagkatinginan kami ni Phoebe bago nagkibit balikat.
Tumayo na rin kami at sinundan si Reiko. Madaming mga estudyante ang nagbubulungan tungkol nga sa kanilang nasaksihan sa labas ng building na ito. Napakunot ang aking noo. This scene is not really the usual.
BINABASA MO ANG
Royal Magian Academy: The Sacred One
FantasySYNOPSIS In ALETHIA HEIROS ALKE's whole life she doesn't want anything but to escape from the mansion where she was locked up by her own family. She knew why her family is afraid of her. Alam niya, alam niya sa sarili niya ang kaya niyang gawin. She...