Dumating ang araw ng festival ng Royal Magian Academy. Ang academy ay bubuksan para sa publiko upang manood sa gaganapin na competition.
Maaga din akong nagising sa araw na ito kaya naman nakapag-ayos agad ako ng aking sarili. Saktong paglabas ko sa aking kwarto ay siyang paglabas din ni Deflin sa kaniyang kwarto.
"Aalis kana?" Ngumisi ito sa akin. Hindi ko pinansin ang kaniyang nakakakilabot na ngisi. Tumango na lamang ako.
"Goodluck, Haia," muling turan ni Deflin sa akin. Hindi ko na lamang siya tinapunan muli ng tingin dahil sobrang creepy niya para sa akin.
Dumeretso na agad ako sa Arena kung saan gaganapin ang competition ng mga class S. Halos hindi ako makapaniwala sa sobrang daming tao sa loob ng Arena. Nasisiguro kong hindi iyon mga estudyante ng Royal Magian Academy. Karamihan sa mga ito ay matatanda na o hindi kaya ay sobrang bata palang.
"Andaming manonood sa atin, hindi ba Haia?" Napalingon naman agad ako kay Lory na nasa aking tabi na pala.
"Nasaan si Verly?" Pagtatanong ko kay Lory ng mapansin kong hindi niya kasama si Verly.
Nahagip naman ng mata ko ang grupo nina Georgina. Hindi nila kasama si Kyrios.
"Hindi ko din alam. Siguro ay papunta palang yon dito," saad sa akin ni Lory habang kami ay naglalakad patungo sa aming assign seat.
Hindi nga nagkamali si Lory dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay bumungad sa amin ang nakangiting si Verly na halatang excited sa araw na ito.
"Andaming tao, hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako," bungad sa amin ni Verly Mufi bago siya naupo sa aking tabi sa kanan. Tumango naman ako sa kaniyang sinabi.
Napansin ko naman ang isang side ng arena kung saan walang naupo. Nangunot ang aking noo bago ko binalingan si Lory at Verly na nag-uusap ng kung ano.
"Bakit walang nakaupo sa side na yon?" Pagsingit ko sa kanilang usapan. Napatingin naman silang dalawa sa akin at sa kung saan nakaturo ang aking daliri. Ngumiti naman si Lory.
"Ah, iyon ba? Duon kasi uupo ang Rank 1 hanggang 10 na clan. Alam mo bang noong isang taon ay hindi man lang nag-abalang manood ang Rank 1 at Rank 2 na clan. Iyon pa naman ang inaabangan ng lahat. Kahit isa sa kanilang clan ay walang nagpakita," pagkukwento sa akin ni Lory. Napatango naman ako.
"Kahit pamilya ni Kyrios ang Rank 1 na clan ay wala ni isa sa kanila ang nagpakita. Madami tuloy ang nadismaya kaya siguro ngayon ay wala ng mag eexpect pa na makakakita ng myembro ng pamilya Alke at Grio," usal naman ni Verly habang nakasimangot.
Hindi na ako muling nagsalita pa matapos ang usapan na iyon. Maingay ang buong arena dahil sa mga taong may kaniya-kaniyang pinag uusapan.
Napalingon naman ako sa kabilang tabihan ko kung saan walang nakaupo. Agad nagtama ang mata namin ni Kyrios. Mabilis na kindat ang ginawa niya bago itinuon sa iba ang kaniyang atensyon. Napailing naman ako.
"Siguradong ikaw na naman ang mananalo," usal ko sa aking katabi habang nakatingin sa malawak na ring ng arena. Ramdam ko naman na nilingon ako ni Kyrios.
"Are you sure?" nakangising tanong ni Kyrios. Inirapan ko naman siya bago tumango.
Kahit pa magkakakampi kami ay may itatalaga pa rin na overall champion sa lahat. Iyon ay nakadepende sa puntos na makukuha ng bawat isa samin.
"Balita ko hindi nanood ang pamilya mo noong isang taon," usal kong muli ng hindi tinitingnan si Kyrios.
"They are not interested in this kind of event but Im sure they are coming today" seryosong saad ni Kyrios. Napatango naman ako.
BINABASA MO ANG
Royal Magian Academy: The Sacred One
FantasySYNOPSIS In ALETHIA HEIROS ALKE's whole life she doesn't want anything but to escape from the mansion where she was locked up by her own family. She knew why her family is afraid of her. Alam niya, alam niya sa sarili niya ang kaya niyang gawin. She...