CHAPTER 13

48.8K 2.2K 121
                                    

NApako ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang aking matang napatingin sa lalaking nakahiga sa loob ng rectangular glass. Para iyong kabaong dahil ang nakahiga doon ay wala ng buhay.

Hindi makapaniwalang napatingin kay Chesca. She looks so calm. Para bang hindi isang bangkay ang kaniyang tinititigan ngayon.

Kumirot bigla ang aking sintido at alam ko na agad na maling sundan ko ang isang batang si Chesca. Akala ko ay isa lamang siyang ordinaryong batang mahiyain. Ngunit mali ako.

"You killed him," sabi niya sa akin habang mariin na nakatitig pa rin sa bangkay na hindi na makilala ang mukha dahil natuyot na ito. That corpse looks familiar. Ganyan ang nagyayari sa mga taong napapatay ko.

"I killed him?" Hindi siguradong saad ko kay Chesca.

Napatingin sa akin si Chesca. Poot, galit at pagkamuhi ang mababasa mo sa kaniyang mga mata. Hindi na siya kasing kalmado, hindi kagaya kanina na para bang isa lang talaga siyang inosenteng bata.

"Oo. Pinatay mo ang nag iisang pamilya na meron ako!" Galit na saad ni Chesca sa akin.

"Hindi ko alam. Paano? Kailan? Hindi ko natatandaan." Walang emosyon kong saad.

Tumawa ng pagak si Chesca. Parang hindi na siya bata ngayon kung umasta.

"Itong bahay na ito? Hindi mo rin natatandaan?"  Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Ang bahay na ito ay hindi pamilyar sa akin.

Hindi ko talaga alam. Hindi pa rin ako nakakapunta sa lugar na ito.

Gusto ko ng umalis ngunit hindi ko magawa. Napatitig ako sa batang nakatingin sa akin na puno ng galit.

"Dahil sayo, hindi na rin ako lumaki katulad ng isang normal na tao," mapaklang ngumiti si Chesca. Tumulo ang kaniyang luha.

"Hindi ko naiintindihan. Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo talaga maiintindihan. You are a monster!" Sigaw niya sa akin.

"No, don't say that," Mariin kong saad.

"Bakit? Nasasaktan ka ba? Oh, hindi ka nga pala nakakaramdam ng kahit ano. Isa kang halimaw. You killed hundreds of innocent people. Sinong matino ang gagawa noon? Araw-araw, lahat ng maid na naglilingkod sayo ay namamatay." Bulyaw niya sa akin.

Napapikit ako dahil bigla na naman kumirot ang aking sintido. Halos magsalubong ang kilay ko dahil sa sakit ng aking ulo.

Napatakip ako sa aking tenga. Tumawa ng tumawa si Chesca. Napaluhod ako nang mas maramdaman kong pananakit ng aking ulo at ang dugo ko ay kumukulo kasabay ng pagsakit ng aking katawan. Nagsisimula na naman nakumawala ang aking cursed magic.

"Halimaw ka! Hindi ka nararapat na maging masaya!"

"Huwag ka ng magsalita. Masasaktan lang kita. Tumigil kana," nahihirapan na saad ko.

"Matagal mo na akong nasaktan at hanggang ngayon ay sinasaktan mo pa rin ako. Ano pa bang sakit ang kaya mong ibigay. You used your physical shifting to me kaya ngayon hindi na ako makabalik sa dati. Don't you still remember. Ako lang naman yung kaibigan mong lagi mong kasama noon before you turned my kuya into a dried corpse."

"Tama na." Mariin kong tinakpan ang aking tenga. I don't want my cursed magic to be triggered. Maari ko siyang mamatay.

"Itong bahay na ito? Bigay lang naman ng pamilya mo Haia. Ito daw ang kabayaran sa pagkamatay ng aking kuya, ang matalik na kaibigan ng kuya mo. Ano bang magagawa ng isang katulad kong dukha? Namatay ang magulang namin na pinaglilinkuran ang pamilya niyo Haia. Ayokong matulad sa kanila. You are a monster. You don't deserve to be happy. You are nothing but a monster!"

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon