CHAPTER 12

48.6K 1.9K 279
                                    

"ANong kapalit?" Tanong ko sa dragon. Ramdam ko ang paglapit sa akin ni Kyrios. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

Tumawa ang dragon. Isang malakas na tawa kaya napatingala ako sa kweba dahil naglaglagan ang ilang tipak ng bato doon at ang ilang yelong nabuo sa loob.

"Kapalit ng isang boteng laway ko? Isa lang ang kapalit," wika ng dragon habang nakatuon ang malaking mata sa akin. Tila kumikinang ito katulad ng nyebeng pumapatak sa labas ng kweba.

"Say it. Ano bang kapalit?" Iritadong tanong ni Drake.

"Ikaw." Sabi ng dragon habang mariin na nakatingin sa akin.

"Ako? Ayoko nga!" Sigaw ni Drake kaya naman tumawa ulit ng malakas ang dragon kaya naglaglagan muli ang mga bato at yelo sa taas.

"Hindi ikaw lalaki. Itong binibini sa aking harapan ang kapalit ng gusto niyo," usal ng dragon kaya naman kumunot ang aking noo.

"Hindi pwede." Dumagundong ang boses ni Kyrios sa loob ng kweba.

"Kyrios." Usal ni Fhana sa kaniya.

"Umalis tayong kompleto at babalik tayong kompleto," seryosong saad ni Kyrios habang mariin na nakatingin sa Dragon.

"Isang boteng laway mo lang," saad ko.

"Alam mo ba kung anong kayang gawin ng laway ko binibini?"

Agad akong umiling sa tanong ng Dragon. Hindi ko talaga alam kung ano bang special sa laway ng dragon na nasa aming harapan.

"Kaya nitong tumunaw ng mahika sa katawan" sabi nito. Napasinghap muli ang aking mga kasama. Tila hindi naman nagulat si Kyrios sa sinabi ng dragon. Marahil ay alam niya ang bagay na iyon.

"Iba nalang ang hilingin mo dragon. Hindi pwede si Haia ko." Wika ni Drake kaya naman napalingon kaming dalawa ni Kyrios sa kaniya.

"Hindi maaari sapagkat ang isang tulad niya ay nababagay para sa akin," saad ng dragon kaya naman kumunot ang aking noo.

Itinago ako ni Kyrios sa kaniyang likod. Sumilip ako para makita ang dragon. Seryoso itong nakatingin kay Kyrios. Tila tinatantya kung anong meron sa lalaking nasa harapan ko.

"You can't have her. You give us your saliva or I'll burn you to death." Mariin at malalim na saad ni Kyrios. Napakagat labi na lamang ako.

"Nagpapatawa ka ba lalaki? Ang isang katulad mo ay walang laban sa akin," wika ng dragon.

Agad naman na nagpaulan ng fireball si Kyrios kaya nanlalaki ang mata namin ng makita kung paano malusaw ang makapal na scale ng dragon. Maging ang dragon ay hindi makapaniwala sa nangyari.

"Now, choose." Mariin na saad ni Kyrios.

Agad na pinagaspas ng dragon ang kaniyang pakpak kaya naman malakas na lumindol sa loob ng kweba. Nagsimulang maghulugan ang malalaking tipak ng bato.

Napayakap ako kay Kyrios ng malakas na sumigaw ang dragon dahilan kung bakit nagkaroon ng malakas na hangin.

"Kyrios, look!" Tinuro ko kay Kyrios ang mahabang ngipin ng Dragon dahil  sa laway na malapit ng tumulo doon.

Tumango si Kyrios at sa isang iglap ay nawala na siya sa harap ko at ang hawak ko na ngayon ay ang handbag. Isang kurap ko lang ay higit-higit na ako ni Kyrios. Sobrang bilis ng pangyayari.

"Let's get out of here," malalim na saad ni Kyrios at sumunod naman ang tatlo sa amin. Agad kong inilagay ang bote pabalik sa handbag.

"O' my gosh." Tili ni Fhana ng malakas na sumigaw ang dragon dahilan kung bakit lumindol muli.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon