CHAPTER 6

52K 2.1K 201
                                    


SImula kahapon ay hindi ko na nakita pa si Nikishi. Marahil ay nagtatampo iyon sa akin dahil sa mga binitawang salita ko sa kanya.

Kahit kagabi ay hindi ko na siya nakita pa nung nagdinner ako. Iniiwasan niya talaga na magkatagpo ang landas namin.

Ngayon ay naglalakad ako upang pumunta sa Laboratory. Iyon ang unang subject namin.

"Narinig mo na ba yung balita? May isang estudyante ang nadakip ng mga rebels."

"Oo, may mga nakapasok na rebels dito kagabi sa may Magian Forest. Specifically."

"I wonder kung paano sila nakapasok. Diba ang barrier ng Academy na ito ang pumoproktekta sa atin sa rebels kaya hindi basta basta."

"Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay hindi pa iyon inaaksyunan."

"Maybe because hindi naman ganon kapowerful yung family nung estudyanteng nadukot or takot pumunta sa kuta ng mga rebelde. Diba delikado don."

"Sabagay, kung hindi naman importante sa family yung estudyante na iyon ay hahayaan nalang siguro nilang mamatay iyon kaysa mag take ng risk."

"Alam mo ba kung sinong estudyante yon?"

"I think it's from Leyr Clan. I just overheard it. Babae daw."

Tumigil ako sa paglalakad ng marinig iyon. Wala sana akong balak pakinggan sila pero nasa unahan ko sila at ang bagal nilang maglakad dahil sa malakas nilang pagkukwentuhan.

Agad akong tumakbo sa kabilang direksyon. Madami ang napapatingin sa akin at nagtatagal iyon ng ilang segundo ngunit di ko na lamang iyon pinansin dahil nagmamadali ako at wala akong pake sa iniisip nila.

Nang makarating ako sa dorm ay mabilis akong pumasok at pumunta sa pinto ng kwarto ni Nikishi.

Kumatok ako ng ilang beses ngunit walang sumasagot kaya napagpasyahan ko na buksan ang pinto.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kaniyang kwarto. There's no sign of Nikishi. Ibig sabihin kahapon pa siyang wala at hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon.

Naalala ko na kahapon ay dumeretso ako sa Magian Forest. Iyon ay ang part ng Academy na madaming puno. Duon ako pumunta kahapon at nagpahinga.

Agad akong napapikit sa aking naiisip. Baka sinundan ako ni Nikishi doon at saktong pag-alis ko ay baka doon siya dinukot ng mga rebelde.

Lumabas ako ng dorm namin at tumakbo ulit ako papunta sa main building.

Agad akong dumiretso sa SSG office. Kailangan kong makalabas ng paaralan na ito. I need to find Nikishi. Kung tama nga ang aking narinig kanina na wala pang umaaksyon ay ako na mismo ang aaksyon para sa una kong naging kaibigan.

Walang katok-katok na pumasok ako sa SSG office kaya naman umangat ang paningin ng apat na taong nasa loob ng silid na ito sa akin.

Malaki ang SSG office at sa bawat sulok ay may table. I saw Fhana on my right and Reiko on my left Sila ang malapit sa pinto. Sa dulo naman ay si Kyrios at Georgina.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang kanilang paninitig sa akin. Agad akong naglakad papunta sa Table ng aking pakay.

I saw Kyrios looking at me intently. Tila binabasa nito ang aking iniisip at mapapakunot noo na lamang kapag hindi siya nagtatagumpay.

"Give me a gate pass." I said with a serious tone.

We are all informed that we need a gate pass para makalabas sa Academy na ito. Alam ko rin sa sarili ko na hindi basta basta sila nagbibigay ng gate pass. I am just trying my luck at kapag hindi parin gumana ay dadaanin ko na ito sa dahas.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon