HAIA'S POINT OF VIEW.
NAkatingala akong nakadungaw sa napakataas na gate ng Royal Magian Academy. Napapalibutan din ng malaking pader ang palibot ng academy.
There's a large crest of the academy in the middle of the gate.
Hinawakan ni Lola Fina ang aking kamay.
"Halika na Haia apo." Naglakad na kami ng bumukas ang malaking gate.
Hindi ko mapigilang hindi tingnan ang paligid at ang bawat madadaanan namin.
"Ang lawak po dito," sabi ko kay Lola Fina. Kita ko sa gilid ng aking mata ang kaniyang pag ngiti.
"Tunay ka diyan Haia apo. Maliligaw ka sa sobrang lawak ng paaralan na ito."
Hindi na ako nag salita pa at pinagmasdan nalang ang kapaligiran. May malaking building sa gitna na mistulang malawak na kastilyo at may tig dalawa pang magkahiwalay na building sa kanan at kaliwa. Ano kaya ang apat na building na iyon. Mukha din itong kastilyo ngunit mas may kaliitan kumpara sa building na nasa pinaka-gitna. Sa tingin ko ay iyon ang main building ng academy.
Tumigil kami sa harap ng malakastilyong gusali na nasa gitna. The building looks like a castle from a fairytale.
"Haia apo, yang nasa left wing na yan," tinuro niya ang isang gusali na mas maliit sa main building
"Yung unang building na may kulay blue na flag, iyan ay para sa mga water elementalist, yung katabing building naman nito na may kulay green na flag ay para sa mga earth elementalist."
Tumango ako. Bumaling naman kami sa aming kanan. Sa may right wing.
"Yung nasa unahan na may white flag ay para sa air or wind elementalist at yung katabi na gusali na may red flag ay para sa mga fire elementalist. Dormitoryo ang mga iyon hija. Alam mo na naman kung saan ka diyan diba."
Tumango lang ako at napatingin sa white flag. I am an Air Elementalist. Nasa dugo na namin iyon.
Pumasok kami sa main building at walang duda sa ganda ang lugar na ito. Maging sa loob ay tila nasa isa kang kastilyo.
Hindi ko alam kung bakit saulong-saulo ni Lola Fina ang lugar na ito. Inilibot niya kasi ako sa buong main building. Walang katao-tao dahil bakasyon parin ngayon. Huling bakasyon dahil bukas ay ang opening classes ayon kay Lola Fina.
Malawak ang cafeteria at may malaking chandelier sa taas. Halatang mamahaling mga mwebles ang ginamit sa buong lugar na ito. Sabagay isa itong paaralan para sa mga dugong-bughaw.
Pati ang mga classroom ay maganda at hindi pangkaraniwan. Ang gymnasium at ang arena ay sadyang napakalaki. Hindi ko alam kung bakit nagkasya yon sa mainbuilding na ito. Buong 6th floor sabi ni Lola Fina ay arena. Kalahati naman ng 5th floor ay ang gymnasium at ang kalahati ay laboratory. Ang 4th floor hanggang 2nd floor ay mga classrooms. Ang 1st floor ay cafeteria at mga staff and faculty room, nasa first floor din ang Headmaster's room. Sa likod ng main building ay may napakalawak na soccerfield at may mga garden din sa may dulo ng soccerfield.
Hindi na ko nag abalagang mag tanong kay Lola Fina kung bakit niya alam ang pasikot-sikot sa buong academy dahil kung gusto niya iyong sabihin ay sasabihin niya sa akin yon ng hindi ako nagtatanong.
Kumatok si Lola Fina sa pinto ng office ng Headmaster. May nakapaskil sa pinto na Headmaster's Room.
"Come in," wika ng boses matandang lalaki.
Binuksan ni Lola Fina ang pinto at pumasok kami. Naabutan kong busy sa mga papel ang Headmaster. Napatingin ako sa marble name plaque na nasa kaniyang harapan.
BINABASA MO ANG
Royal Magian Academy: The Sacred One
FantasySYNOPSIS In ALETHIA HEIROS ALKE's whole life she doesn't want anything but to escape from the mansion where she was locked up by her own family. She knew why her family is afraid of her. Alam niya, alam niya sa sarili niya ang kaya niyang gawin. She...