CHAPTER 19

50.7K 2.1K 134
                                    

Nakatulala lamang ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Nikishi. Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang insidente pero sariwa pa rin sa akin ang nangyari, kung paano ko siya pinatay at kung anong itsura niya noong mga oras na iyon.

I sighed.

Nagsimula na akong maglakad upang lumabas ng dorm. Hindi na katulad ng dati na may kasabay ako sa lahat ng bagay kapag lalabas ako ng dormitoryo.

Dumeretso ako sa cafeteria upang kumain. Kahit ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin ay hindi ko yon binigyan ng pansin. Unti-unti na din akong nasasanay sa kanilang pasimpleng sulyap sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa akin upang titigan nila.

Nang makarating ako sa cafeteria ay agad na dumapo ang aking paningin kay Kyrios. Kasabay niyang nagbebreakfast ang kaniyang mga kaibigan. Ilang araw na din ang lumipas noong sinabi ko sa kaniya ang tunay kong kapangyarihan. Hindi siya umimik non pero ramdam ko na hindi siya makipaniwala sa aking sinabi kahit inaasahan na niya iyon.

"Haia!"

Napalingon ako sa gawi ni Verly na malawak na nakangiti sa akin. Kinawayan pa ako nito at sinenyasan na sumabay sa kaniyang pagkain. Tumango naman ako. Tutal wala rin naman siyang kasabay kumain kaya sasabayan ko na lang siya.

"Ang ganda mo talaga pero bakit parang ang tamlay mo ata ngayon?" bungad sa akin ni Verly ng makalapit ako sa kaniya.

"Hindi naman. Natural na sa akin ang ganito," saad ko sa kaniya kahit alam kong hindi naman iyon totoo. Sinimangutan niya ako.

"Ako na ang oorder ng pagkain natin, dyan ka lang ha baka maubusan," masigla niyang pahayag kaya naman tumango ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na si Verly na may dalang tray ng pagkain.

"Neexcite na ako Haia." Pahayag ni Verly habang kumakain. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka.

"Saan?" tanong ko dito. Lalo namang lumawak ang kaniyang ngiti.

"Royal Magian Academy Festival. Sa mga susunod na araw ay paghahandaan lang natin ang event na iyon," masayang saad ni Verly na halatang naeexcite.

"Ano bang meron sa Festival na iyon?" Pagtatanong ko kay Verly.

"Iyon ang pinakamalaking event sa Academy Haia. Magkakaroon ng labanan ang mga S-Class. Tayo ang mag kakakampi laban sa ibang year ng S-Class. Ibig sabihin lalabanan natin ang upper year at lower year. Nakakaexcite talaga. I can't wait," usal ni Verly. Tumango-tango naman ako.

"Alam mo bang noong isang taon ay ang lower year ang nanalo laban sa middle at upper year. Ang pinaka champion sa event na iyon ay si Kyrios. Freshmen palang siya ay sadyang magaling na kaya simula non talagang naging sikat siya."

"Pati alam mo bang bubuksan ang Academy sa lahat ng maharlika ng Majikos. Ibig sabihin, manonood ang lahat ng mga maharlika. Ang Rank 1 sa clan hanggang sa mababang ranggo ng Maharlika. Nakakatuwa hindi ba?" Mahabang pagkukwento ni Verly. Napatango naman ako pero may isang bagay na pumasok sa aking isipan.

"Hindi ba't delikado na buksan ang Academy sa publiko matapos ng nangyari?" Tanong ko kay Verly kahit alam ko naman na hindi niya masasagot ang aking katanungan.

"Hindi naman siguro. Kahit na ganon, ligtas pa rin tayo dahil balita ko ay triple ang seguridad na gagawin sa event na iyon," hindi siguradong saad ni Verly. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa.

"Hi Haia, Hi Verly," sabay kaming nag-angat ng tingin kay Lory. May dala siyang tray, napatingin ako sa paligid. Wala na palang bakanteng upuan.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon