CHAPTER 18

45.9K 2.2K 101
                                    


Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang pugot na ulo ni Nikishi. Patuloy sa pag-agos ang dugo mula dito at sa kaniyang katawan. Nagkaroon din ng napakaraming bakas ng dugo sa aking uniporme.

Nangangatal ang aking kamay at buong katawan dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman ngunit ang pagkamuhi sa aking sarili ay nangingibabaw. Kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari ang bagay na ito.

Si Nikishi ang una kong naging kaibigan ng makalaya ako sa aming mansyon ngunit di ko aakalain na ako pa ang magiging katapusan ng buhay ng aking kaibigan. Siguro ito ang kabayaran sa lahat ng kasalanan na aking nagawa.

Ilang tao na ang napatay ko. Ito ang kauna-unahang pumatay ako hindi dahil sa takot sa akin kung hindi dahil kinakailangan ko kahit labag sa loob ko. Nakokonsensya ako.

Pinunasan ko ang huling patak ng luha sa aking pisnge. Sa ilang oras na pag-iyak ay natuyo na siguro ang aking mata at wala ng maiiluha pa. Huminga ako ng malalim. Napaka bigat ng aking pakiramdam. Hindi ako sanay na bumalik na ang aking emosyon. Sobrang nasasaktan ako sa mga oras na ito.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi kinaya ng aking tuhod sa sobrang panlalambot. Sumandal ako sa pinakamalapit na puno sa aking kinaroroonan. Hindi ko alam kung bakit napaka lupit sa akin ng tadhana.

Pumikit ako para maibsan ang sakit na aking nararamdaman ngunit hindi ito tumalab. Napamulat na lamang ako bigla dahil naramdaman kong umangat ang aking katawan sa lupa.

Blankong mukha ni Kyrios ang bumungad sa akin. Walang mababakas ng kahit na anong emosyon. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Siguradong natagpuan niya ang bangkay ni Nikishi malapit sa akin.

Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya hindi na ako nagtangkang magsalita pa hanggang sa makabalik kami sa Academy. Nasisiguro kong okay na ang lahat maliban sa akin.

Dinala ako ni Kyrios sa infirmary. Hiniga niya ako sa isa sa mga patient's bed.

"Rest for a while," maikling usal ni Kyrios bago ito lumabas sa infirmary habang ako ay naiwang nakatulala sa kisame.

--

Gabi na ng ako ay magising. Tahimik ang kapaligiran at wala ng tao sa loob ng infirmary bukod sa akin. Bumuntong hininga ako.

"How did you know?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may marinig akong boses. Napalingon ako malapit sa pintuan at doon nakita kong nakatayo si Kyrios. Nilapitan niya ako at umupo sa kabilang bed.

"What are you talking about?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"The Black Spell, How did you identified the host of it," seryosong tanong sa akin ni Kyrios. Umayos ako ng upo at tinitigan ang aking kamay.

"I don't know. Just a coincidence," mahinang usal ko

"I know there is something about you," saad ni kyrios habang nakatitig sa akin. Napalunok naman ako. Nagsimulang dumagundong ang aking dibdib.

"How can you say that?" wika ko kay Kyrios. Napakagat labi ako dahil sa kaba.

"You are not just a mere mage Haia, I can tell that," usal muli ni Kyrios na nakapagpakaba sa akin.

Natatakot akong malaman niya ang totoo. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya, nila ang totoo ay matakot sila sa akin at iwasan ako. Hindi pwede iyong mangyari.

--

Makalipas ang ilang araw ay naging usap-usapan ang nangyari sa buong Academy. Ang pagkalat ng black spell sa buong field ng paaralan ay naging isang dahilan upang mabahala ang mga magulang ng mga estudyanteng nag-aaral sa Royal Magian Academy. Ang balitang iyon ay nakarating din sa official ng Majikos Capital kaya naman gumawa agad ng kilos ang Headmaster at iba pang mga namamahala sa Academy upang patibayin ang seguridad sa loob ng paaralan.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon