CHAPTER 2

61.8K 2.2K 352
                                    

DAhan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Una kong nakita ang bubong na gawa sa dayami. Napakunot ang noo ko.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko na nasa loob ako ng isang maliit na bahay-kubo. Pinakiramdaman ko ang aking hinihigaan at napagtantong sa papag ako nakahiga.

"Mabuti at gising kana hija," wika ng matandang babae.

Natatandaan ko na siya rin yung nakausap ko sa café.

She is the granny I met earlier.

"Ano pong nangyare? Bakit po ako nandito?"

Ngumiti ang matandang babae sa akin.

"Dinala kita dito sa munting bahay ko dahil nawalan ka ng malay. Naalala ko rin na wala kang matutuluyan. Huwag kang mag-alala hija. Mabait akong tao at may tiwala ako sayo."

Sa unang pagkakataon. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ng matanda. Iyon lang ang kailangan ko upang bumalik ako sa dati.

"Kilala kita at ang pagkatao mo hija," patuloy na saad ng matandang babae

Natahimik ako saglit bago ako nagsalita.

"Paano po?" tanong ko sa kaniya.

"Isa akong witch hija. Kayong mga mage ay madaling basahin ngunit nahirapan ako sayo, nakakakita ako ng nakaraan. Pagpasensyahan mo na ang Lola Hija, may pagka pakealamera din kasi ako," sabi ng matanda habang tumatawa pa.

Umiling ako. I don't really mind.

"Ako po si Haia," pagpapakilala ko sa matanda. Tinanguan naman ako ng matanda at umupo sa papag sa aking tabi.

"Isa kang Alke."

Hindi iyon tanong. Pinaparating niya sa akin na alam niyang isa akong Alke. Hindi ako nagsalita.

"Huwag kang mag-alala hija. Hindi kita ibabalik sa kanila."

"Hindi po ako nag-aalala," mabilis na sagot ko sa matanda. Nginitian naman ako nito.

"Simula ngayon. Tawagin mo akong Lola Fina at ikaw ay ituturing kong apo."

Napangiti ako kahit wala akong nararamdaman na kahit ano. Alam ko lang sa mga oras na ito na dapat masaya ako dahil may taong handang tumanggap sa akin kahit na isa akong delikadong nilalang.

Simula ng makilala ko si Lola Fina ay naging mas maayos ang buhay ko. Ibang-iba sa buhay ko noon sa malaking kwarto sa mansion ng aking pamilya.

Ngayon ko lang napagtanto na mas maganda ang simpleng buhay kaysa sa marangyang buhay na meron ako dati.

Lagi kong tinutulungan si Lola Fina sa mga gawain bahay at kapag umaalis si Lola Fina upang magtrabaho ay ako lamang ang naiiwan sa bahay.

Mabilis na lumipas ang panahon. Siguro dahil mas naging active ang buhay ko nitong mga nakaraang buwan kaya hindi ko na pansin na anim na buwan na pala ang nakalipas simula ng makilala ko si Lola Fina.

"Maligayang kaarawan Haia apo," masayang bati ni Lola Fina. Napangiti ako bago ko siya niyakap.

"Salamat po," usal ko dito.

Hinawakan ni Lola Fina ang magkabilang balikat ko bago niya ako hinarap sa kaniya. Hinawakan ni Lola Fina ang magkabilang pisngi ko at ikinulong niya ang pisnge ko sa kaniyang palad.

"Alam kong wala kang emosyon Haia pero salamat dahil kahit wala kang nararamdaman na emosyon ay pinipilit mo parin ngumiti para sa akin."

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon