CHAPTER 28

45.6K 2K 234
                                    

HAIA'S POV

Huminga ako ng malalim. Malakas ang pakiramdam ko na may hindi na magandang nangyayari sa mga oras na ito. Napahawak ako sa aking dibdib ng makaramdam ako ng pagkirot. Para bang nasasaktan ako sa hindi ko alam na kadahilanan.

Napatulala ako sa kawalan. Hindi ko maiwasan hindi maisip ang mga negatibong bagay. Ganito ba talaga ang aking tadhana. Masakit at masalimuot.

Ito rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko ginusto ang aking kapangyarihan sa umpisa palang dahil napakadami na nitong dinulot na pasakit sa akin. Kahit anong pagtanggap ang gawin ko sa Sacred Magic ay hindi ko pa din maisip na ito talaga ang magdadala sa akin ng mga panganib.

VERLY'S POV

Hindi ako mapakali dahil sa aming plano upang tumigil na ang kapangyarihan ni Haia. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari, paano kung hindi tumalab, maaaring mamatay kami at maaaring mas lalong lumala.

"Hindi ba dapat humingi muna tayo ng pahintulot sa Headmaster?" Tanong bigla ni Lory habang patuloy kami sa paglalakad.

"Hindi na natin kailangan ang bagay na iyon. Kung gusto nilang maligtas ang lahat, gagawa din sila ng kilos upang malabanan ang kapangyarihan ni Haia," seryosong saad naman ni Genesis. Napatango naman ako.

"Pero alam ba nila ang nangyayari sa oras na ito? Paano kung hindi nila alam kaya hindi sila umaaksyon?" Tanong muli ni Lory. Napailing naman ako.

"Alam man nila o hindi, wala silang gagawin dahil sa takot. Noong sinabi ko nga sa headmaster na nawawala si Haia ay hindi nila ito inaksyunan, lalo na at hindi nila alam na si Haia ay isang Alke. Wala silang pake sa mga hindi noble." Pahayag ko. Napatingin naman ako sa gawi ng tahimik na si Deflin.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Alam kong wala ng importanteng tao ang malapit sayo pero mahalaga ang buhay ng bawat isa satin. Maari kang mamatay," seryosong saad ko kay deflin. Seryoso naman niya akong tiningnan. Walang mababakas na kahit anong ngisi sa kaniyang labi.

"Wag mo kong alalahanin dahil hindi lang naman ako ang maaaring mamatay. Kasama ko kayo kaya hindi ako nag-iisa," seryosong usal nito. Napatango naman ako.

Hindi pa man kami nanakarating malapit sa mansion ay nararamdaman ko na ang bigat ng atmospera sa lugar na ito. Para bang pumasok kami sa nakakatakot na lugar dahil sa ambiance ng paligid.

Nagsisimula na akong kilabutan dahil sa hindi ko alam na dahilan. Napakagat labi na lamang ako dahil sa kakaiba at mabigat na pakiramdam na dulot ng kapangyarihan ni Haia na nakapalibot na sa lugar na ito.

"Hindi ba tayo nakakalapit sa mansion pero bakit parang nakapasok na tayo sa loob ng kapangyarihan ni Haia? Nakakatakot," usal ni Lory.

Tama siya. Nakakatakot ang pakiramdam na nararamdaman namin. Para bang kahit anong oras ay maaari kaming mamatay. Parang isang maling galaw lang namin ay baka maranasan namin ang nakakakilabot na kamatayan dulot ng Sacred Magic.

Habang palapit kami ng palapit sa Mansion ay pabigat ng pabigat din ang atmospera sa paligid. Nakakaramdam din ako ng kakaiba sa aking katawan.

May natatanaw na din akong mga tuyot ng bangkay sa paligid na nasisigurado akong mga bangkay ng mga rebelde.

"Mas mabilis ang epekto ng Sacred Magic sa mga taong mayroong black magic sa katawan," saad bigla ni Deflin kaya naman napatingin kami sa kaniya.

"Kung ganon, wala kang Black Magic sa katawan?" Tanong ko dito. Tumango naman siya at hindi na nagsalita pa.

Nang makarating kami sa mansion ay agad kaming napatigil sa gulat. Hindi namin inaasahan na ganito ang aming matatagpuan.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon