NAkatingala ako sa kalangitan. Nakaupo ako sa duyan sa playground ng mga bata. Hating gabi na kaya lahat ng bata ay natutulog na sa oras na ito. Lumabas ako para magpahangin dahil hindi ako tinitigilan ni Fhana sa kakatanong kung tunay bang lumakas na ang mga rebelde or sadyang mahina lang ako kaya nagkagutay gutay ang aking damit.
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Walang mga star. Para akong nakikipagtitigian sa mata ni Kyrios. His eyes looks just like the dark sky like now. Nakakatakot pero kalmado.
Nawala ang aking tingin sa kalangitan. Napabaling ako ng tingin sa lalaking umupo sa kabilang duyan.
"What are you doing here?" Tanong sa akin ni Kyrios.
"I am the one who should be asking, what are you doing here? Akala ko ba tulog kana?" Baling kong tanong sa kaniya.
"I can't sleep," wika niya kaya naman napatitig ako sa kaniyang mukha. He looks dangerous. He is really a god-like.
"Why? Hindi ka ba sanay na madami sa kwarto?" Tanong ko sa kaniya. Humihilik kasi si Drake kanina nung umalis ako. Baka kaya siguro hindi siya makatulog dahil sa ingay ni Drake matulog.
"I am just worried about you. Baka kung saan ka na naman magpunta ng walang pasabi." Sabi niya at lumingon sa akin. Nginitian ko naman siya.
"I am not going anywhere," sabi ko habang nakatingin sa kalangitan.
Naalala ko na naman ang kakaiba at malakas na tibok ng dibdib ko noong nasa Awona Mountain kami. Ni minsan ay hindi ko pa nararansan ang ganong pakiramdam. Bago at hindi familiar.
Napahawak na naman ako sa aking puso. Matamlay at walang kabuhay-buhay. Walang nagbabago. Akala ko nung araw na iyon ay magbabago ng tuluyan ang tibok ng puso ko pero nagkamali ako. Saglit lang na ipinaranas sa akin ang kakaibang tibok ng dibdib ko pagkatapos ay binawi din agad. I wonder what is the meaning of that.
"Next time, tell me when you are going somewhere. Hindi kami manghuhula para hulaan kung nasa maayos ka pa bang lugar."
Tumango ako. Katulad din sila ni Nikishi. Maaalalahanin at mapagmahal. Kailan ko kaya yon mararamdaman sa ibang tao. Lagi nalang sila ang nag-aalala sa akin. Gusto ko na ako naman ang mag-alala para sa kanila. Mahirap umakto ng may nararamdaman kahit wala naman.
"Paano nawala ang nararamdaman mo?" Tanong sa akin ni Kyrios. Napangiti ako ng tipid.
Alam kong nahalata na niya noon pa na hindi ako katulad ng normal na tao. I don't have emotions.
He asked me the same question before. He kissed me that day. I can still remember it clearly.
"When I was 8 or 9 years old, my heart became like this. It is beating weaker than a heart of a person who is dying. I never felt any kind of emotion since then." Huminga ako ng malalim. Hindi ko akalain na masasabi ko sa kaniya ang bagay na ito. Kahit hindi ko sinabi ang pinaka dahilan ay para sa akin, hindi na madaling sabihin ang tungkol sa pagkawala ng emosyon ko. Hindi ko alam kung bakit mahirap sabihin iyon pero sa tuwing naalala ko ang nangyari dati ay sumasakit ang ulo ko.
Ngunit hindi sumakit ang ulo ko ngayon.
Tumingin sa akin si Kyrios at nagtama ang aming paningin. Matagal akong napatitig sa kaniya bago ako napakurap at nag-iwas ng tingin.
---
Kinaumagahan ay naghanda na kami upang umalis. Hindi kami pwedeng magstay sa lugar na ito ng matagal."Sigurado bang aalis na kayo?" Tanong ni Nana Fe sa amin. Ngumiti naman kaming apat. Kyrios is always serious. I never seen him smile but I already saw him smirked.
BINABASA MO ANG
Royal Magian Academy: The Sacred One
FantasySYNOPSIS In ALETHIA HEIROS ALKE's whole life she doesn't want anything but to escape from the mansion where she was locked up by her own family. She knew why her family is afraid of her. Alam niya, alam niya sa sarili niya ang kaya niyang gawin. She...