CHAPTER 15

48K 2.1K 83
                                    

INilibot ko ang paningin sa aking paligid. Nasa Magikos Capital na kami. Madaming nagtataasang gusali at mga establishimento ng iba't ibang kainan. Madaming mga taong dumadaan at ganon din ang mga sasakyan.

Napaupo ako sa gilid at napasandal sa matigas na pader. Hinayaan ko lang na nakahiga ang dalawang lalaki sa semento. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang malay at kapag gumising sila paniguradong wala pa rin sila sa kanilang sarili.

Iginala ko ang aking mata. Baka sakaling makita sina Fhana at Drake ngunit bigo akong ibalik ang tingin sa mukha ni Kyrios na mahimbing na natutulog at walang malay.

Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dahil mukha kaming nga pulubi dito sa gilid ng daan.

"Ore."

Isang maliit na tuta na may kulay puting balahibo na kawangis ng lion ang sumulpot sa aking harapan.

"Alam kong alam mo ang nangyari." Pahayag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango. "Anong dapat kong gawin para makawala sila sa malakas na spell ng mga cursed fairies?"

"Mabuti pang dalhin mo sila sa iyong Lola Fina." Sagot ni Ore sa akin.

Agad naman akong napatango. Naalala kong isa nga palang witch si Lola Fina. Madami siyang alam tungkol sa mga spell.

"Salamat Ore."

Tumingin ako sa walang malay na si Kyrios at Reiko. Sa isang pikit mata ko lang ay nasa harap na kami ng bahay ni Lola Fina. Ang dalawang lalaki naman ay nakasakay na sa likod ng malaking si Ore.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay ni Lola Fina ngunit walang tao kaya naman napagpasyahan kong lumabas. Pumunta ako sa likod ng bahay ni Lola Fina kung saan siya gumagawa ng mga spell na hindi ako sigurado kung para saan.

"Lola Fina." Usal ko ng makita ko itong naghahalo sa malaking palayok na nasa harapan niya.

Humarap ito sa akin na tila inaasahan na ang aking pagdating ko sa lugar na ito.

"Haia."

Nilapitan ako ni Lola Fina at hinagkan ng mahigpit. Hindi na ako nagsalita pa. Marahil ay nagagalak lamang siyang makita akong muli.

"Lola Fina. Andito po ako para humingi ng tulong niyo," saad ko sa kaniya ng walang kahit na anong bahid ng emosyon na makikita sa aking mukha.

Sabay kaming naglakad upang tingnan ang kalagayan ng dalawang lalaki. Pumasok na kami sa loob ng bahay dahil nasa papag na ang dalawa.

"Hmm, mabuting dinala mo sila agad sa akin Haia. Kung hindi sila malalapatan ng lunas agad ay may posibilidad na mapasailalim sila sa kapangyarihan ng cursed fairy," usal ni Lola Fina.

Napatango naman ako.

"Ore," baling ko sa aking alaga. "Hanapin mo si Fhana at Drake. Dalhin mo sila agad dito."

"Masusunod Alethia."

Agad nawala sa aking paningin si Ore. Huminga ako ng malalim. Hindi ko akalain na ang activity pala sa Royal Magian Academy ay isang delikadong pagsubok sa mga estudyante.

"May alam ka bang pangontra sa sumpa Lola Fina?" Tanong ko kay Lola Fina. Mahinang tumango si Lola Fina bago umalis sa aking tabi.

"Haia, Kamusta naman ang iyong pamamalagi sa Royal Magian Academy?" Biglang sulpot ni Lola Fina sa aking tabi. May dala na itong tatlong vial ng potion. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko pa naman sinasabi kung ilan ang dapat gamutin pero iwinaksi ko nalang iyon sa aking isipan.

Royal Magian Academy: The Sacred OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon