We Are One

153 3 0
                                    

Dark woke up in a familiar place.. This is their old house!

He walked to the garden and saw a little kid probably about 9 years old playing with his toy cars and guns.

Lumapit siya sa bata at nang marealize na siya yun ay napahinto siya, lalo na nang magsalita ito.

"Dark ito ang laruin mo oh!" nagsalita ang bata at tinuro ang mga nakakalat na baril sa damuhan.

"ayoko niyan Tenebris.." he grunted and continued playing with his toy cars.

"laruin mo sabi eh! Kundi babato ko yan sa ulo mo!" sigaw ng bata kahit na wala naman itong kausap.

"Ten ayoko nga ehhh." pilit ng bata at tumayo ito upang kunin ang baril at ipupok sa sarili niyang ulo.

"Ten tama na please ten!!"he cried as he hit himself hanggang sa dumugo ang ulo niya.

Dark was about to help him when the scenery changed and he saw himself in his room he was seven years old.

Umiiyak ito habang naririnig ang mga magulang na nag-aaway sa labas.

"wag ka ng umiyak Dark, nandito lang ako, hindi kita iiwan." he said to himself.

"natatakot ako Tenebris." he talked to himself.

"hindi mo na kailangang matakot, wala silang magagawa sayo habang nandito ako." he said.

Dahan-dahang tumayo ang batang Dark at natulog sa kama.

The scenery changed once more and he saw himself being beaten up by his dad and he was crying so loud at natigilan siya sa panonood nang biglang hindi na umiiyak ang batang Dark at nakangiti na lang ito habang patuloy na sinisinturon.

A few flashes of his smiling face when the scenery changed again.

This time he was in 10th grade when he saw his mom getting beaten up by his dad.

Hindi niya ginusto kailan man na mangielam ngunit dahil si Tenebris ang may hawak ng katawan niya noong araw na yun ay sumugod siya na parang isang balang kinalabit papunta sa ama.

"you fucking dick!" he shouted at pinagsusuntok ang ama.

Kaya ng pantayan ng kanyang pangagatawan ang sa tumatandang ama.

"hayop kang bata ka!" sigaw nito at pinagsusuntok din siya.

"mas hayop kang tang'na ka!" he fought back

Dahil may hawak itong baril ay malakas na pinukpok ng ama sa ulo ang bata at sinipa upang tumama ang ulo sa glass center table ng kanilang sala.

Tumama ang ulo ni Dark dun at nabasag iyon kasabay ng pagbaril ng ama sa maliit na chandelier upang tumamang muli sa kaniyang ulo.

"anaaaaak!" her mom screamed but he managed to stand up and fought to take the gun and when he finally did he shot his own father in the leg.

"Dark and I already had enough of this bullshits!" Tenebris shouted and then he fainted.

And when 11th grade came he had selective amnesia ang tanging naalala lang niya ay ang pambubugbog sa kanila, hindi ang araw na iyon at hindi si Tenebris.

No one dared to talk about it again.

---

"Naalala mo na ako." pagkausap ni Tenebris kay Dark.

Tumango-tango naman ang sarili.

"pero hindi pa sapat lahat ng ala-ala mo Dark!" patuloy na sigaw nito sa kaniya.

"I was there for you when you were too weak to even fight back on almost everything kaya wala kang karapatan palayasin ako sa katawang ito Dark because WE.ARE.ONE!"

His Other Side [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon