Who Is His Other Side?

125 3 0
                                    

"Dark.. Tenebris.. Adrianus! Halika na kanina pa tayo hinihintay ng papa ninyo!" tawag ng mama sa triplets.

"Ten! Ten!" tawag ni  Adrianus sa nakatatanda ng ilang minutl sa kanilang tatlo.

"teka lang Adrianus natatakot nanaman si Dark kay papa.. Papatigilin ko lang sa pag-iyak." sagot naman ni Tenebris.

Tumango-tango naman si Adrianus. Nagtatalon siya habang hinihintay ang mga kuya niya. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinaka makulit.

Si Tenebris ang pinakamatapang.. Si Dark ang pinakaduwag ngunit napakatalino.. At si Adrianus naman ang pinakamasiyahin.

Sa murang edad ay alam na nilang tatlo kung sinoang magmamana ng halos lahat at iyon ay walang iba kung hindi si Dark.. Siya kasi amg pinaka matalino.

Ngunit si Tenebris ay hindi nakaramdam ng inggit sa kapatid. Lagi nga niya itong tinututukan dahil hindi nito kayang hawakan ang sariling emosyon.

Meanwhile Adrianus always felt left out. Kahit siya ang pinakamasiyahin sa paningin ng iba ay tinatago niya ang inggit kay Dark dahil kahit malupit ang mga magulang sa kanila ay si Dark ang pinaka-paborito nito. Idagdag pa si Tenebris na pinakababantayan si Dark.

7 years old sila nang sinama sila ng kanilang ama na I-check ang bagong building na pinatayo nito. It wasn't finished yet ngunit gusto sila i-expose sa mga ganito para mulat sila sa hahawakan nilang negosyo paglaki ngunit alam nila sa kanilang sarili na ang lahat ng ito ay para kay Dark.

Manang Josie her favorite Nanny gave Adrianus his water. Akay-akay ang tatlo ay sinakay niya sa kotse ang magkakapatid.

"oh Adrianus ano ang sinabi ko?" tanong ni Manang Josie.

"mag-share po! Pero manang hindi po ba mas marami pang toys si Dark saakin, bakit po siya nanghihiram?" nginitian naman siya ni Manang Josie at tinapik sa ulo.

"kasi kapatid mo siya.. Kahit anong mangyari pagbibigyan mo siya." sabi nito.

Imbis na maintindihan ay mas lumaki lang ang galit niya kay Dark. Isang beses ay inaway niya ito dahil sinira ang laruan niya at nang pukpukin niya ito sa ulo ay dumugo ito ay umiyak ng umiyak.

Pagka dating ni Tenebris ay labis ang galit nito kay Adrianus na isinumbong pa siya sa magulang kasangga nito si Mang Pedring na bumuhat pa kay Dark.

Galit na galit ang ama nila na binugbog nito si Adrianus. Iyak ng iyak si Adrianus.

Sa kaniyang harapan ay nakaupo ang magkapatid katabi si Manang Josie na nakatingin lang sa kaniya at sa may pintuan ay nakayukong nakatingin sa kaniya si Mang Pedring.

Araw-araw ganun ang nangyari nang dahil lamang sa nasaktan niya si Dark.

Lumipas ang mga araw nanahimik lang si Adrianus. Hindi kumakain at walang kinakausap. Nakonsensya si Tenebris at nang binalak manlang itong lapitan ay siya na mismo ang lumalayo.

Makalipas ang isang buwan ay dinala sila muli ng kanilang ama sa ibabaw ng building na yun para ipakita ang paboritong helicopter ni Tenebris.

Nagpaalam lang saglit ang ama na bababa dahil parating na ang mama nila.

"Dark laro tayo.." walang buhay na yaya ni Adrianus dito.

Isang ngiti naman ang isinagot ni Dark at tango.

"saan Adrianus?" tanong ni Dark.

Ngumiti naman si Adrianus at pinapikit si Dark kasabay ng hawak sa kamay nito.

His Other Side [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon