(FB. Com)
DAVY's POV
Bakit nakakainis? Mula nung huli naming pag uusap hindi na sya nag rereply sa mga chat ko. Nakaka imbyerna! Gusto ko lang naman ipaliwanag sa kanya ang lahat...DAVY : Gled please.. kausapin mo naman ko :(
GLED : ayoko na pag usapan yun kung yun lang din ang topic mo.. kaya please lang din David wag mo na ako pilitin
DAVY : gusto ko lang mag sorry 😐
GLED : di na kailangan kasi ok na naman ako
DAVY : alam ko naman, pero nag sinuwaling padin ako sayo kasi ayoko maapektohan nito ang pagiging famous ko.. at the very least gusto ko lang ibalik ang pagiging magkaibigan natin
GLED : bakit? Di pa ba sapat to? Aren't we friends?
DAVY : sa FB oo, malay ko lang sa personal.. Gled naman, sige na please?
GLED : forgiving ako na tao Davy pero sana naman maintindihan mo
DAVY : ok lang naman kung hindi kita sukuan diba? Magiging mag kaibigan ulit tayo Gled
(Later)
GLED's POv
"Uy kinilig si Robot!!!ano?! Nangligaw ba?!" kainis din tung Amy kahit kailan "tigilan mo ako, tska ano ba sayo?!" kainis to "wag ka mag expect, day may jowa yung tao. Kaya magising kana dyan sa happily ever after mong dreams day!" kainis talaga"Anong akala mo?! Nag eexpect ako? Uy hindi ah, tska masaya na ako dun sa sincerity nya sa akin. At tska masaya na ko na sobrang mahal nya si Schnitzy"
Malay ko ba, dati kasi as in crush na crush ko sya pero kasi ngayon. Alam ko na mahal na mahal nya si Schnitzy kaya dun palang assured na ako na marunong mag mahal si David. And somehow proud na ako. Kontento na ako, na ganito sya.. na ganito kami..
~ park ~
Andito lang ako, naglakad lakad lang kasi wala naman din akong magawa sa bahay kaya dito nalang din ako "at lumabas kana! Alam mo naghintay talaga ako sayo! Kainis ka trip mo talaga na hindi magpakita sa tao ano?" nagulat ako dun ah.. "anong ginagawa mo dito?" si David lang pala kala ko kung sino na,
"Sabi ko naman sayo na gusto kita kausapin diba? Ang tigas ng ulo mo" wow?! Ako talaga? "Uy di ah! Umiiwas lang ako sa gulo" sabi ko pa "kasi ano?! Kala mo siguro pareho si Schnitzy at Haylee ano? Uy, mabait yung jowa ko ano.. tska hindi nya trip yung gulo tulad mo lang din. Tska alam mo ba,? Sya yung nagsabi sa akin na maki pag ayos sa yo nakaka tuwa sya diba?" Aish..
"Oo sya! Nakakatuwa pero ikaw malay ko sayo" kainis tung lalakeng to "alam mo ba? Miss na kita, wala na kasing pang gulo sa school. Pero ayaw naman kita pilitin na lumipat ulit kasi alam ko naman na ok kana dun. Hindi lang ako sanay na yung problema na sinosolve ko hindi ko na makita" wow?! Ano ako?! Math problem?!
"Che! Ang kapal ng mukha mo," loko loko to kahit kailan "pero masaya ako para sayo. Ito lang ang masasabi ko para sayo. Sana makahanap ka ng taong makaka solve talaga sayo. Kasi akala ko talaga ako na yun pero di pala, sinong mag aakala na ang hirap pala I assemble ng robot?!" Mabatukan na nga to
"Aray?! Ano ba?!" sigaw pa nya "alam mo, kaibigan ko na sobrang kapal ang mukha.. kahit ganyan ka may naayos ka naman sa buhay ko kahit konti.. kasi ngayon normal na ako. Wala na ako sa virtual world. Na sa totoong mundo na ako. Kasi pinakita mo sa akin ang mga totoong ngiti mo. Pero ayoko mag salita na parang naging EX mo naman ako. Kasi tayong dalawa? Naging parte lang naman tayo ng buhay ng isa't isa ng wala naman talagang rason... pero salamat kasi kaibigan kita, salamat kasi andyan ka, at salamat kasi nakilala kita" parang naluluha na naman ako dito eh
"Oo nga no? Salamat kasi binago mo din ako. Salamat kasi tinuruan mo ako na mahalin ang sarili ko at lalong lalo na si Schnitzy"
AN : sa tingin ko po alam nyo na ang ending na plinaplano ko para kay Gled at Davy. champgly , it's the best I could do for you pero don't worry may mangyayari pa... and guys... siguro mga 5 or 6 chapters left nalang po siguro ang story ko.. thanks for all the love and support... keep reading, following and voting..
BINABASA MO ANG
STALKING MY FACEBOOK CRUSH❤️
RomanceSYNOPSIS : Sa panahon ngayon? Sa online lang, isang swipe right may jowa kana. Ganun na ba talaga ka hightech ang panahon? Yung tipong WiFi lang at signal oh di kaya'y load at data lang ay makaka pag usap na kayo? Walang ka effort effort kang mapapa...