AMY's POV (my room)
Actually, di pa talaga nag sisink in sa akin na leader ng gang ang nanay ko. Kasi sa totoo lang, alam ko naman kung bakit nya tinago eh.. takot sya na pagkatuwaan ako ng mga barkada ko.. pero wag din sila magkakamali, kundi katapusan na ng buhay nila.. ang bilis pa naman magalit ni Athen. Tanggap ko naman si Athen ah, siguro ay sobra lang natakot si mama kasi alam nyo na...(Lunch : mall)
Na bored ako sa bahay kasi wala naman akong magawa dun kaya dito nalang ako. Actually nasa Jollibee ako ngayon, alam ko na pag nakita ako nila Eily dito magagalit yun kasi di ko sila inaya, pero siguro naman nagpapahinga yung mga yun ngayon kasi dun sa boarding house namin double deck tapos apat kami edi dalawang tao sa isang deck tapos si Gled lang yung sanay na may katabi kaya madalas na mamahay talaga. Kaya siguro ako natutulog yung mga unggoy na yun ngayon..
"Ms. Pa order naman ng isang sundae at isang fries" gutom ako eh kaya maka order nalang.. "sige po ma'am paki antay nalang po" umupo na muna ako, since nag aantay pa ako nag fb muna ako.. wag nyo ipagkakalat ah? Di ko muna blinock si Ron para ma stalk ko sya.. wala trip ko lang..
At ayon sa last post nya, andito din sya sa Jollibee.. nag status talaga sya ah! Siguro alam nya na sinistalk ko padin sya..
RON PERSIVAN - in #Jollibee to say goodbye
Luh? Kanino naman sya magpapa alam? Di sa curious lang talaga ako sa mga pinag gagawa nya ah? Pero kasi nasisilip ko eh, kaya titingin nalang din ako.
Kasama nya si Haylee at umiiyak si Haylee. Siguro nambabae to, di kaya trust worthy yan. Pero antagal na nila kaya di naman siguro yun gagawin ni Ron diba? Para akong ewan dito kumakain habang nanonood sa kanila.. aba malay ko kung bakit.. ah basta!
Di ko na natagalan, umuwi na ako! Baka kung ano pang makita ko eh
(Bahay)
"Umalis ka pala? Di ka kumain dito sa bahay?" tanong ni mama "po? Eh wala naman po akong magawa dito eh ang boring kaya lumabas muna po ako. Teka ma, sabi nyo leader kayo ng gang. Edi matuturuan nyo ako ng martial arts?" tanong ko pa
"Oh? Kala ko galit ka?" tanong ni mama "po? Sinusubukan ko lang naman po kung kaya nyo ako itumba. Tulad nung mga kaaway nyo ni Athen sa gang fights" sagot ko pa
"Loko nito! Syempre hindi, pero sa totoo lang sana maintindihan mo kung bakit ko yun ginagawa" drama nitong isang to
"Ma, naman panis na yang issue na yan eh! So pwede nyo nga ako turuan? Si Rook kasi, sabi nya mahirap daw ako turuan kasi lampa ako. Tapos sabi naman ni Athen baka ma trouble sya sa boss nya which is ikaw naman pala pag nagkasugat ako.. kaya mommy ikaw nalang please?" sabi ko pa
"Ok naman yang idea mo, para maka self defense ka.. pero kasi nak mahirap pag mataba ka eh. Hindi mo mababalanse ang sarili mo. Kaya mo ba igive up ang ice cream at fries mo para sa martial arts na yan?" tanong pa ni mama.. eh ang hirap naman nun
"Mom naman, para nyo na din akong pinatay nyan. Wag na nga lang... magbobody guard nalang ako. Tska palagi ko naman kasama si Athen eh kaya sya na bahala sa akin" maka balik na nga lang sa kwarto... pero seryoso, ano kayang nangyayari kela Ron ay Haylee nagbrebreak na kaya sila?! Yes?! Ay pero wag naman ganun baka kasi masaktan si Ron pag nangyari yun.. eh paano naman pag sya pala nung naki pag break? Edi ang ganda... hay bahala na sila sa buhay nila..
BINABASA MO ANG
STALKING MY FACEBOOK CRUSH❤️
RomanceSYNOPSIS : Sa panahon ngayon? Sa online lang, isang swipe right may jowa kana. Ganun na ba talaga ka hightech ang panahon? Yung tipong WiFi lang at signal oh di kaya'y load at data lang ay makaka pag usap na kayo? Walang ka effort effort kang mapapa...